Mahigit 1,000 indibiduwal, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross ngayong UNDAS

Patuloy na naka-alalay ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga magsisitungo sa mga sementeryo para gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong UNDAS. Batay sa datos ng PRC, nakapagsilbi na sila ng 1,390 indibiduwal na kinailangang bigyan ng first aid. Nasa 1,018 dito ang kinuhanan ng blood pressure, 39 ang nakaranas ng minor… Continue reading Mahigit 1,000 indibiduwal, naserbisyuhan ng Philippine Red Cross ngayong UNDAS

Sunog, sumiklab sa boundary ng Bagbag Public Cemetery

Nabulabog ang dapat sanang tahimik na paggunita ng Undas sa Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City. Ito ay matapos sumiklab ang isang sunog sa may boundary ng sementeryo bandang alas-9 ng umaga. Ayon kay BFP QC Chief of Operations Major Marvin Mari, nagmula sa isang informal settler sa likod ng sementeryo ang sunog na… Continue reading Sunog, sumiklab sa boundary ng Bagbag Public Cemetery

Mga force multiplier na makakatuwang ng Marikina Police sa pagbabantay ng seguridad sa Loyola Memorial Park, nakaantabay

Nadagdagan pa ang pwersa na nagbabantay sa Loyola Memorial Park sa lungsod ng Marikina. Bukod sa Marikina Police Office, dumating na rin ang mga force multiplier para sa “Oplan Ligtas Undas.” Pasado alas-6 ng umaga nang dumating dito ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team, Marikina Traffic, Marikina Rescue, City Environmental and Management Office,… Continue reading Mga force multiplier na makakatuwang ng Marikina Police sa pagbabantay ng seguridad sa Loyola Memorial Park, nakaantabay

Pinaigting na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard sa mga pwerto ngayong Undas 2024

Mahigit 200 personnel ng Philippine Coast Guard Station Iloilo ang naka-deploy sa mga pwerto at pantalan sa siyudad at probinsya ng Iloilo ngayong Undas. Ayon kay Ensign El John Ga, Deputy Station Commander for Administration ng CGS-Iloilo, 73 ang naka-deploy sa mga pwerto sa syudad at 150 naman ang naka-deploy sa probinsya ng Iloilo. Bago… Continue reading Pinaigting na seguridad, ipinatutupad ng Coast Guard sa mga pwerto ngayong Undas 2024

NTC, binuksan ang public assistance ops ngayong Undas

Pinagana na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang taunang public assistance operations para maghatid ng tulong ngayong Undas. Sa isang Memorandum, inatasan ng NTC ang lahat ng Regional Directors nito na makipag-ugnayan at magbigay ng tulong sa kanilang nasasakupan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga Civic Action Groups (CAGs), at mga… Continue reading NTC, binuksan ang public assistance ops ngayong Undas

Iba’t ibang paninda, naglipana sa paligid ng Bagbag Public Cemetery

Kung dagsa ang tao sa loob ng Bagbag Public Cemetery, nagkalat din ang mga maliliit na negosyante na nag-aalok ng iba’t ibang paninda sa labas ng sementeryo. Halos nag-ala-Divisoria ang eksena dito sa labas ng Bagbag Public Cemetery sa dami ng mga ibinebenta mula sa bulaklak, kandila, hanggang sa mga pagkain, damit, at mga laruang… Continue reading Iba’t ibang paninda, naglipana sa paligid ng Bagbag Public Cemetery

Mga tricycle driver, tindero sa paligid ng Loyola Memorial Park sa Marikina, nanawagan sa LGU na payagan silang makapamasada, makapagtinda ngayong Undas

Umaapila ang mga tricycle driver at maliliit na negosyante sa Marikina City LGU na payagan silang makapamasada at makapagtinda sa paligid Loyola Memorial Park ngayong Undas. Ito’y dahil sa nilimitahan umano ng LGU ang bilang ng mga maaaring makapamasada sa paligid ng naturang sementeryo kung saan, hindi kinikilala ang special passes o permit na inilabas… Continue reading Mga tricycle driver, tindero sa paligid ng Loyola Memorial Park sa Marikina, nanawagan sa LGU na payagan silang makapamasada, makapagtinda ngayong Undas

Bagbag Public Cemetery, mas maagang binuksan ngayong Undas

Wala pang alas-6 ng umaga, binuksan na sa publiko ang Bagbag Public Cemetery, Novaliches, Quezon City para sa mga dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Maaga kasing dinagsa ang naturang sementeryo na karaniwang sitwasyon daw kapag sumasapit ang November 1. Marami sa mga bumisita ngayong umaga, bitbit ang pamilya gaya ni… Continue reading Bagbag Public Cemetery, mas maagang binuksan ngayong Undas

12 electric coops, naapektuhan ng Super Typhoon Leon — NEA

Iniulat ng National Electrification Administration (NEA) na aabot sa 12 electric cooperatives (ECs) ang apektado ng hagupit ng Super Typhoon Leon. Naitala ito sa 11 probinsya sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at CAR. Sa tala ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), nananatiling walang koneksyon ang Batanes Electric Cooperative habang partial… Continue reading 12 electric coops, naapektuhan ng Super Typhoon Leon — NEA

Lagay ng trapiko sa NLEX, maluwag ngayong umaga ng Undas

Balik normal ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX). As of 5:30am, maluwag at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza, at regular lanes sa Mindanao Toll Plaza at Bocaue Toll Plaza. Bagamat may kaunting pila lang ng mga sasakyan sa RFID installation lanes. Light traffic din… Continue reading Lagay ng trapiko sa NLEX, maluwag ngayong umaga ng Undas