47 taong gulang na babae nawawala sa Manila North Cemetery; MPD patuloy sa paghahanap sa loob ng sementeryo

Ipinananawagan ni Berna Razon, 80-anyos, ang kanyang anak na si Jo-Ann Razon, 47-anyos, matapos itong mawala kahapon sa kanilang pagpunta sa Manila North Cemetery. Kahapon pa pinaghahanap ni Ginang Razon ang nawawalang anak nang dinalaw nito ang isa pa niyang anak na namayapa na. Tumutulong na rin ang Manila Police District (MPD) sa paghahanap pero… Continue reading 47 taong gulang na babae nawawala sa Manila North Cemetery; MPD patuloy sa paghahanap sa loob ng sementeryo

DSWD, naghatid pa ng family food packs sa mga sinalanta ni bagyong Leon sa Batanes

Nakapaghatid pa ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Batanes na sinalanta ng Bagyong #LeonPH. Ayon sa DSWD Region 2 may 500 food packs ang hinatid sakay ng C295 Aircraft ng Philippine Air Force, sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Civil Defense (OCD). Habang 1,160 Family… Continue reading DSWD, naghatid pa ng family food packs sa mga sinalanta ni bagyong Leon sa Batanes

MPD, may paalala sa mga patuloy na bumibisita sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas

Muling nagbigay paalala ang Manila Police District sa pangunguna ng hepe nito na si PBGen. Arnold Thomas Ibay na magdoble ingat ngayong panahon ng Undas. Paalala ng MPD Chief, kung aalis ng bahay dapat i-secure at i-lock ang mga ito, gayundin ang pagtanggal sa saksakan ng mga appliances upang makaiwas sa anumang insidente ng sunog.… Continue reading MPD, may paalala sa mga patuloy na bumibisita sa mga sementeryo ngayong panahon ng Undas

Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, patuloy sa pagdating ngayong All Souls’ Day

Mas kakaunti kumpara kahapon ang dumarating sa Manila North Cemetery ngayong All Souls’ Day, Nobyembre 2, kumpara sa bilang na naitala kahapon. Sa pinakahuling tala ng Manila Police District, as of 1pm, nasa 136,000 ang bilang ng mga taong nagsidatingan ngayong araw sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila. Inaasahan naman na dadami pa ang bilang… Continue reading Mga bumibisita sa Manila North Cemetery, patuloy sa pagdating ngayong All Souls’ Day

Bilang ng mga bumibisita sa mga sementeryo sa QC, bumaba na

Bumaba na ang bilang ng mga nagtutungo sa limang sementeryo at mga columbarium sa Quezon City ngayong All Souls Day, Nobyembre 2. Sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), hanggang alas-9:00 kaninang umaga, may 21,228 katao ang pumasok sa limang sementeryo. Mas mababa ito kumpara sa ganitong oras nitong Boyernes, Nobyembre 1. Sa Himlayang… Continue reading Bilang ng mga bumibisita sa mga sementeryo sa QC, bumaba na

‘Alabang Boys’, nakatakdang ipa-deport ng BI

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang mga tinagurian nitong ‘Alabang Boys’ na inaresto ng mga kawani nito dahil umano sa pagiging mga illegal alien. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, walong illegal alien na kinabibilangan ng anim na Chinese, isang Vietnamese, at isang Chinese woman, ang naaresto sa isang operasyon sa… Continue reading ‘Alabang Boys’, nakatakdang ipa-deport ng BI

QC LGU, pinaalalahanan ang mga pulitiko sa tamang paglalagay ng election paraphernalia sa lungsod

Bago ang pagsisimula ng pangangampanya,nagpaalala na ang Quezon City Government sa mga pulitiko na maging responsable sa paglalagay ng kanilang  banners at tarpaulins sa Lungsod Quezon. Alinsunod sa City Ordinance # SP -2021 S-2010, anumang political propaganda sa QC ay dapat ipaskil lamang sa mga lugar na itinalaga ng Commission on Elections. Ipinagbabawal din ng… Continue reading QC LGU, pinaalalahanan ang mga pulitiko sa tamang paglalagay ng election paraphernalia sa lungsod

PBBM, idineklara ang November 4 bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang darating na November 4, araw ng Lunes bilang ‘National Day of Mourning’. Ang deklarasyaon ay ginawa ng Pangulo para sa mga biktima ng nagdaang Bagyong Kristine. Sa pamamagjtan ng Proclamation no. 728 na nagdedeklara sa November 4, 2024 bilang ‘National Day of Mourning’, iniuutos din sa lahat… Continue reading PBBM, idineklara ang November 4 bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng Bagyong Kristine

DPWH patuloy sa pagsusumikap na makumpuni ang mga kalsada at tulay na nasira dahil sa epekto ng Bagyong Kristine at Leon

Tinatayang may 10 kalsada pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nananatiling hindi madadaanan dahil sa epekto ng pinagsamang Bagyong Kristine at Leon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Kabilang dito ang mga kalsada sa lugar ng Apayao, Batanes, Pampanga, Batangas, Albay, Camarines Sur, at Cebu, na apektado dahil sa landslide,… Continue reading DPWH patuloy sa pagsusumikap na makumpuni ang mga kalsada at tulay na nasira dahil sa epekto ng Bagyong Kristine at Leon

Bulkang Kanlaon, bumuga ng halos 7,000 tonelada ng sulfur dioxide –PHIVOLCS

Nagbuga ng 6,993 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkang Kanlaon sa Negros Islands kahapon. Bukod dito, naitala ang malakas na pagsingaw ng manaka-nakang abo na umabot sa 800 ang taas at napadpad sa hilagang kanluran at kanlurang bahagi ng bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na 24 oras, nagparamdam pa ang bulkan ng 31 volcanic… Continue reading Bulkang Kanlaon, bumuga ng halos 7,000 tonelada ng sulfur dioxide –PHIVOLCS