Mga nagbabalak pumigil sa ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kongreso, binalaan

Nagbabala ngayon si Speaker MArtin Romualdez sa mga nais pigilan ang ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kamara. Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, binigyang pagkilala ng lider ng Kamara ang mga hakbang na ginawa ng miyembro ng Quad Committee kabilang na ang “Young Guns” blood sa ginagawang pag-imbestiga sa isyu… Continue reading Mga nagbabalak pumigil sa ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kongreso, binalaan

SP Chiz Escudero, naghain ng panukala para iurong sa May 2026 ang halalan sa BARMM

Naghain na si Senate President Chiz Escudero ng isang panukalang batas na layong ipagpaliban ng isang taon ang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Sa ilalim ng Senate Bill 2862 ni Escudero, pinapanukalang gawin na lang sa May 11, 2026 ang eleksyon sa BARMM sa halip na sa May 2025. Sinabi ng… Continue reading SP Chiz Escudero, naghain ng panukala para iurong sa May 2026 ang halalan sa BARMM

PNP, nanindigang lehitimo ang isinagawang raid laban sa scam hub sa Malate, Maynila

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang isinagawa nitong pagsalakay sa Century Peak Tower sa Malate, Maynila, kung saan naaresto ang 69 na dayuhan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa love scam at cryptocurrency scam. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, walang kaukulang permit ang target na kumpanyang Vertex Technology, na… Continue reading PNP, nanindigang lehitimo ang isinagawang raid laban sa scam hub sa Malate, Maynila

CSFI foundation, nagbukas ng art exhibit para masuportahan ang mga kalusugan ng mga sundalo at biktima ng Bagyong #KristinePH

Pinasinayaan ngayon ng Congressional Spouses Foundation Incorporated (CSFI) ang pagbubukas ng art at fashion exhibit na “Philippines’ Finest 2024” bilang pagkilala sa Filipino artistry at paraan para suportahan din ang health care ng mga sundalo gayundin ang biktima ng bagyong Kristine. Katuwang ang Sentro Artista, ibinida sa exhibit ang iba’t ibang artworks, fashion, at home… Continue reading CSFI foundation, nagbukas ng art exhibit para masuportahan ang mga kalusugan ng mga sundalo at biktima ng Bagyong #KristinePH

Paggunita ng Undas sa buong bansa, generally peaceful — PNP

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na mapayapa ang pangkalahatang paggunita ng Undas sa buong bansa. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, na maliban sa naging sunog sa Bagbag Cemetery sa Novaliches, Quezon City at ilang minor incidents na hindi naman nakaapekto sa… Continue reading Paggunita ng Undas sa buong bansa, generally peaceful — PNP

DPWH, hinikayat na simulan na ang pagtukoy kung saan maaaring itayo ang bagong evacuation centers sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Bill

Hinimok ngayon ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na simulan na ang pagtukoy sa mga lugar kung saan itatayo ang mga bagong evacuation centers sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Bill. Ang naturang panukala ay nilalayong magtatag ng mga evacuation center… Continue reading DPWH, hinikayat na simulan na ang pagtukoy kung saan maaaring itayo ang bagong evacuation centers sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Bill

ERC, kailangang magkaroon ng transparency mechanism kasunod ng muling pagbabalik ni ERC Chair Dimalanta

Sa pagbabalik ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta matapos ma-lift ang kanyang suspension ng Office of the Ombudsman, iginiit ni Manila Representative Joel Chua ang pangangailangan ng “forensic audit, specialized tools, web-based o online transparency mechanisms, at specialized personnel” sa ERC. Ito ay upang masigurong mayroong ganap na transparency sa bawat mahalagang desisyon… Continue reading ERC, kailangang magkaroon ng transparency mechanism kasunod ng muling pagbabalik ni ERC Chair Dimalanta

Pondo ng PhilHealth para sa susunod na taon, hindi dadagdagan ng Senado

Tiniyak ni Senate President Chiz Escudero na hindi na dadagdagan ng Senado ang subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Isa ang PhilHealth sa nakatakdang kwestyunin ng mga senador sa plenaryo matapos ang inilabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.… Continue reading Pondo ng PhilHealth para sa susunod na taon, hindi dadagdagan ng Senado

Sen. Gatchalian, tinangging siya ang may-ari ng SUV na may plakang ‘7’ na namataang dumaan sa EDSA busway

Pinabulaanan ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga impormasyong kumakalat na sa kanya ang sasakyang may plakang ‘7’ na pumasok sa EDSA busway. Ayon kay Gatchalian, wala siyang sasakyan na Cadillac Escalade. Giniit ng senador na dalawa lang ang sasakyan niyang may protocol plate na 7, isang Toyota Alphard at Toyota Sequoia. Binahagi rin ni Gatchalian… Continue reading Sen. Gatchalian, tinangging siya ang may-ari ng SUV na may plakang ‘7’ na namataang dumaan sa EDSA busway

SP Chiz Escudero, nakikipag-ugnayan na sa LTO kaugnay ng pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyang may protocol plate no. 7 na nahuling dumaan sa EDSA bus way

Bineberipika na ngayong ng Land Transportaion Office (LTO) kung totoo ngang isang senador ang nagmamay-ari ng sasakyang may plakang ‘7’ na nahuling dumaan sa EDSA busway. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, ito ang pinakahuling sinabi sa kanya ng LTO sa pakikipag-usap niya sa ahensya. Sakali naman aniyang mapatunayang senador nga ang nagmamay-ari nito, malinaw… Continue reading SP Chiz Escudero, nakikipag-ugnayan na sa LTO kaugnay ng pagkakakilanlan ng may-ari ng sasakyang may protocol plate no. 7 na nahuling dumaan sa EDSA bus way