Higit 400,000 mahihirap na pamilya, waitlisted na sa 4Ps matapos ang balidasyon ng DSWD

Mahigit sa 400,000 benepisyaryo ang naka-wait list na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at karapat dapat na pumalit sa mga inaasahang ga-graduate na sa programa ngayong taon. Ito ay ayon kay Director Gemma Gabuya, 4Ps National Program Manager ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), base sa September 30 record. Nauna nang iniutos… Continue reading Higit 400,000 mahihirap na pamilya, waitlisted na sa 4Ps matapos ang balidasyon ng DSWD

Proseso ng paglabas ng pharma products sa bansa, pinadali ng pamahalaan

Photo courtesy of FDA

Tumugon ang Food and Drug Administration (FDA) sa direktiba ni Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang healthcare system ng Pilipinas, at siguruhin ang access ng publiko sa de kalidad na medisina. Ang FDA, pinasimple ang pagproseso ng exporting pharmaceutical products at Active Pharmaceutical Ingredients (APIs), sa pamamagitan ng paglalabas ng bagong administrative order. Sa… Continue reading Proseso ng paglabas ng pharma products sa bansa, pinadali ng pamahalaan

Relief operations sa Batanes, tuloy na matapos mahatak ang nagka-aberyang C295 aircraft ng PH Air Force

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. na nahatak na kagabi sa gilid ng Basco Airport ang C295 aircraft ng Philippine Air Force, na nagkaaberya noong November 1. Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo kaninang umaga, sinabi ni Brawner, inaasahan nilang matutuloy na ang kanilang relief operations… Continue reading Relief operations sa Batanes, tuloy na matapos mahatak ang nagka-aberyang C295 aircraft ng PH Air Force

Mahigit 11,400 na mga indibidwal, naserbisyuhan ng PH Red Cross sa panahon ng Undas

Umabot sa mahigit 11,400 na mga indibudwal ang nakatanggap ng tulong-medikal mula sa Philippine Red Cross o PRC sa panahon ng Undas. Batay sa tala ng PRC Safety Services Unit, nasa 11,017 ang nakakuha ng libreng serbisyo ng pagkuha ng vital signs kabilang na ang blood pressure sa mga first aid station ng PRC. Tinulungan… Continue reading Mahigit 11,400 na mga indibidwal, naserbisyuhan ng PH Red Cross sa panahon ng Undas

Crime rate sa Quezon City, bumaba mula Oktubre 2024

Inanunsiyo ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng walong pangunahing kategorya ng krimen sa Lungsod Quezon sa buwan ng Oktubre. Ayon kay QCPD Acting Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., sa loob lang ng isang buwan, 280 drug suspect ang naaresto ng pulisya at P6.66 million ang halaga ng illegal drugs ang nakumpiska.… Continue reading Crime rate sa Quezon City, bumaba mula Oktubre 2024

Pagkakaroon ng mas matatag, mas angkop, at mas napapanahong flood control at slope protection system, tututukan ng pamahalaan

Dapat na mag-adopt ang bansa ng mga makabagong disensyo ng infra projects para sa flood control at slope protection, na kayang makasabay sa banta na dala ng Climate Change. Sa ganitong paraan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi mao-overwhelm o hindi mabibigla ang mga flood control project sa bansa, sa bigat o laki… Continue reading Pagkakaroon ng mas matatag, mas angkop, at mas napapanahong flood control at slope protection system, tututukan ng pamahalaan

Paparating na bagyong Marce, pinaghahandaan ng PNP

Patuloy ang pagkikipag-ugnayan ng Philippine National Police (PNP) sa mga lokal na pamahalaan na maaapektuhan ng paparating na bagyong Marce. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, inihayag ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na nagbigay na ng direktiba si PNP Chief Police General Rommel Franciso Marbil, na paghandaan ito at makipag-ugnayan sa… Continue reading Paparating na bagyong Marce, pinaghahandaan ng PNP

Kamara, nakikiisa sa pag-obserba ng National Day of Mourning para sa mga biktima ng bagyong Kristine

Ipinarating ni Speaker Marin Romualdez sa mga pamilyang nawalan ng kaanak dahil sa bagyong Kristine na kaisa ang buong Kongreso sa kanilang pagdadalamhati. Ito ay bilang paggunita na rin sa National Day of Mourning salig sa Proclamation No. 728 ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. Giit ng lider ng Kamara, dama ng buong bansa ang… Continue reading Kamara, nakikiisa sa pag-obserba ng National Day of Mourning para sa mga biktima ng bagyong Kristine

Party-list solon, umaasang maisakatuparan na ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

Umaasa pa rin si Tingog Party-list Representative Jude Acidre na maisakatuparan ang pagpapatibay sa batas na bubuo sa Department of Disaster Resilience. Sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong araw, sinabi ni Acidre na umaasa silang matututukan na ang isa mga panukalang isinusulong ng Tingog Party-list kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Kristine. “I just… Continue reading Party-list solon, umaasang maisakatuparan na ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

Higit 500 pamilya sa Batangas, binigyan ng shelter materials ng DHSUD

May 559 pamilya sa lalawigan ng Batangas na nasiraan at nawalan ng bahay dahil kay bagyong Kristine ang pinagkalooban ng shelter materials ng Department of Human Settlements and Urban Development. Ang hakbang na ito ng ahensya ay bahagi ng patuloy na paglulunsad ng “conveyor belt of aid”ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para… Continue reading Higit 500 pamilya sa Batangas, binigyan ng shelter materials ng DHSUD