Dalawang inaprubahang flood control project, makatutulong ng malaki upang maibsan ang pagbaha sa NCR at CALABARZON — NEDA

November 5 2024 President Ferdinand Marcos Jr. leads the 22nd National Economic and Development Authority (NEDA) meeting at the Malacanang Palace on tuesday. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang gagampanang papel ng dalawang inaprubahang flood control projects ng NEDA Board upang maibsan ang pagbaha sa Metro Manila gayundin sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon). Ito’y makaraang payagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nakalipas na NEDA Board Meeting ang Cavite… Continue reading Dalawang inaprubahang flood control project, makatutulong ng malaki upang maibsan ang pagbaha sa NCR at CALABARZON — NEDA

Epekto ng mga nagdaang bagyo, ramdam na sa presyuhan ng gulay sa Marikina City

Ramdam na ng mga nagtitinda ng gulay sa Marikina Public Market ang epekto ng mga nagdaang bagyo sa presyo ng kanilang mga ibinebentang produkto. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda ng gulay na nagsimulang sumipa ang presyo ng kanilang mga paninda buhat nang tumama ang bagyong Kristine. Kabilang sa mga sumipa ang… Continue reading Epekto ng mga nagdaang bagyo, ramdam na sa presyuhan ng gulay sa Marikina City

Gobyerno, patuloy ang pagsisikap na maiparating ang tulong sa mga komunidad na apektado ng mga nagdaang bagyo — Finance Sec. Ralph Recto

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na maiparating sa mga apektado ng nagdaang bagyong Kristine at super typhoon Leon ang tulong. Ayon kay Recto ito ay upang maka-recover agad ang mga kababayan mula sa pananalasa ng kalamidad. Sa katunayan aniya, ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang… Continue reading Gobyerno, patuloy ang pagsisikap na maiparating ang tulong sa mga komunidad na apektado ng mga nagdaang bagyo — Finance Sec. Ralph Recto

Crime rate sa Metro Manila, bumaba sa ilalim ng bagong hepe ng NCRPO

Nabawasan ang mga krimeng nangyayari sa Kalakhang Maynila sa ilalim ng bagong pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pangunguna ni Police Brig. Gen. Sidney Hernia. Ayon sa datos na inilabas ng NCRPO, simula October 9 hanggang November 4, 2024, ang naitalang Total Number of Crimes (TNC) ay bumaba sa dating 8,606 ay… Continue reading Crime rate sa Metro Manila, bumaba sa ilalim ng bagong hepe ng NCRPO

Pilipinas inaasahang magiging “rising star” sa buong Asian Region — HSBC Philippines

Kumpiyansa ang HSBC Philippines sa pagiging “rising star” ng Pilipinas sa rehiyong Asya. Base sa HSBC Global Research, tinataya ng international bank ang pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas kung saan maaabot nito ang 6.7 percent na gross domestic product (GDP) sa taong 2026. Ayon kay HSBC President and CEO Sandeep Uppal, hindi lamang nila… Continue reading Pilipinas inaasahang magiging “rising star” sa buong Asian Region — HSBC Philippines

Maagang Pamaskong Handog para sa lahat ng Muntinlupeño, umarangkada na

Nagsimula na ang distribution ng 140,000 packages para sa ikalawang taon ng Pamaskong Handog mula sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon. Ayon sa alkalde target nila na magkaroon ng selebrasyon ang bawat household sa Muntinlupa ngayong Pasko. Naglalaman ang nasabing Pamaskong Handog ng:3 kilo ng bigas,1 pack 400g spaghetti pasta,1… Continue reading Maagang Pamaskong Handog para sa lahat ng Muntinlupeño, umarangkada na

DSWD, may nakahandang higit isang milyong food packs para sa mga LGU na tatamaan ng bagyong Marce

Naka-standby na ang nasa 1.3 milyong kahon ng family food packs (FFPs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para i-pang-augment sa mga LGU lalo na ang posibleng maapektuhan ng bagyong Marce. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, iniutos na rin nito ang tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs sa mga resource center kabilang ang… Continue reading DSWD, may nakahandang higit isang milyong food packs para sa mga LGU na tatamaan ng bagyong Marce

Signal no. 2, nakataas sa ilang lalawigan sa norte dahil sa bagyong Marce

Nadagdagan pa ang mga lugar na inilagay sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 at 2 dahil sa banta ng bagyong Marce. Sa 5am weather bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyong Marce ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 km silangan… Continue reading Signal no. 2, nakataas sa ilang lalawigan sa norte dahil sa bagyong Marce

Paglikha sa 60 bagong mga korte sa bansa, ikinalugod ng Korte Suprema 

Ikinatuwa ng Korte Suprema ang pagkakasabatas sa paglikha ng mga bagong dagdag na 60 na mga korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.  Ayon sa Supreme Court, mapapabilis nito ang paglilitis dahil madadagdagan na rin ang mga huwes na hahawak sa mga kaso.  Ang paglikha sa dagdag na 60 korte ay dahil sa inaprubahang batas… Continue reading Paglikha sa 60 bagong mga korte sa bansa, ikinalugod ng Korte Suprema 

Heightened Alert, itinaas ng Coast Guard sa Northern Luzon dahil sa bagyong Marce

Nakahanda na ang lahat ng mga kagamitan ng Philippine Coast Guard (PCG) North Western Luzon upang magbigay ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Marce.  Ayon kay PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, nasa Heightened Alert ngayon ang lahat ng District Station at Sub Station sa North Western Luzon.  Ibig sabihin, kanselado ang lahat ng leave… Continue reading Heightened Alert, itinaas ng Coast Guard sa Northern Luzon dahil sa bagyong Marce