P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Pinuri ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Representative Zaldy Co ang desisyon ng Senado na panatilihin ang P1.3 bilyong bawas sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Rep. Co, ipinakita ng mga Senador ang kanilang paninindigan bilang malayang sangay na sumusuporta sa posisyon ng Kamara na una… Continue reading P1.3-B budget cut ng Office of the Vice President sa Senado, pinuri

Deadline sa pagtanggap ng aplikasyon para makasali  sa Christmas Bazaar, hanggang bukas na lang –Navotas  LGU

Tumatanggap pa ng aplikasyon ang Navotas Hanapbuhay Center para sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) na gustong sumali  sa taunang Christmas Bazaar sa Lungsod ng Navotas. Sa abiso ng Navotas City Government, gagawin ang Christmas bazaar sa Navotas City Walk and Amphitheater mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 22. Dahil sa limitado lamang ang espasyo,… Continue reading Deadline sa pagtanggap ng aplikasyon para makasali  sa Christmas Bazaar, hanggang bukas na lang –Navotas  LGU

Pag-akyat sa 300 na bilang ng Kadiwa stores sa buong bansa, target maisakatuparan ng Marcos Admin sa susunod na taon

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na palawakin pa ang KADIWA stores sa buong bansa. Nais ng Pangulo na i-akyat ang bilang nito sa 300, mula sa kasalukuyang 21 sa ikalawang quarter ng 2025. Kaugnay nito, hiniling ng DA sa Pangulo na pondohan ang rehabilitasyon at pagsasaayos sa mga… Continue reading Pag-akyat sa 300 na bilang ng Kadiwa stores sa buong bansa, target maisakatuparan ng Marcos Admin sa susunod na taon

Panibagong kaso ng MPOX, naitala sa Quezon City

Isa na namang panibagong kaso ng MPOX ang naitala ng Quezon City Government. Ang ika anim na pasyente na nagpositibo sa MPOX ay isang 31-taong gulang na lalaki at residente ng lungsod. Naramdaman nito ang sintomas ng MPOX noong Oktubre 18, 2024. Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Division, bumisita ang pasyente sa Fahrenheit Club (F… Continue reading Panibagong kaso ng MPOX, naitala sa Quezon City

P15 million halaga ng iba’t ibang uri ng droga, nasabat sa QC

Nasa mahigit P15 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng illegal drugs ang nasabat ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod. Kasabay nito ang pagkaaresto sa anim na drug suspects na sina Arlene Ann Goco; Lia Lauren Llige; Daryl Sarona; Jerome Palacios; Terence Concepcion at Mohammad Villar Dana. Ayon kay… Continue reading P15 million halaga ng iba’t ibang uri ng droga, nasabat sa QC

7 indibidwal, arestado sa iligal na pagbebenta ng online registered SIM cards

Arestado ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang pitong indibidwal sa serye ng entrapment operations dahil sa iligal na pagbebenta ng registered SIM cards online sa Cainta, Valenzuela, Quezon City, at Manila. Ayon kay PNP-ACG Director Police Major General Ronnie Cariaga, isinagawa ang operasyon laban sa online na pagbebenta ng registered SIM matapos bumaha… Continue reading 7 indibidwal, arestado sa iligal na pagbebenta ng online registered SIM cards

BOI, hiniling sa Kamara na i-institutionalize na ang panukalang green lane for strategic investments

Ibinalita ng Board of Investment (BOI) sa harap ng House Committee on Trade and Industry na umabot na sa 162 projects ang kanilang naiproseso sa ilalim ng green lane. Ang naturang mga proyekto ay may project cost na P4.4 trillion as of October 2024. Sa pagtalakay ng komite sa House Bill 8039 o establishing green… Continue reading BOI, hiniling sa Kamara na i-institutionalize na ang panukalang green lane for strategic investments

Amyenda sa Universal Healthcare Law, isinusulong sa Kamara

Isang panukalang batas para amyendahan ang Universal Healthcare Act ang inihain sa Kamara. Layunin ng House Bill 10995 na ma-institutionalize ang komprehensibo at angkop na dagdag sa PhilHealth benefits habang pabababain naman ang kontribusyon ng mga miyembro. Kung maisabatas, imbes na ipatupad ang 5% mandated premium para sa taong 2024 at 2025 ay gagawin itong… Continue reading Amyenda sa Universal Healthcare Law, isinusulong sa Kamara

Pag-adopt ng Senado sa pinagtibay na bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng OVP, welcome sa mga mambabatas

Ikinalugod ng mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ang desisyon ng Senado na i-adopt ang inaprubahang bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025. Ayon kay Appropriations Vice-Chair Zia Alonto Adiong, na sponsor rin ng OVP budget, pinatunayan lang ng hakbang ng Senado na may sapat na… Continue reading Pag-adopt ng Senado sa pinagtibay na bersyon ng Kamara ng panukalang pondo ng OVP, welcome sa mga mambabatas

7 lokal na pamahalaan, sangkot sa illegal recruitment ng OFWs sa South Korea — DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na pitong lokal na pamahalaan ang natuklasang sangkot sa iligal na recruitment sa mga overseas Filipino worker (OFW) na ipinadadala sa South Korea. Dahil dito, pansamantalang ipinatitigil ng DMW ang recruitment process sa mga nasabing lokal na pamahalaan. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ang hakbang… Continue reading 7 lokal na pamahalaan, sangkot sa illegal recruitment ng OFWs sa South Korea — DMW