Intelligence Command, itinatag ng AFP upang tutukan ang iba’t ibang hamong pangseguridad

Nagtatag ng bagong unit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyang tututok sa tinatawag na “evolving threats” sa makabagong panahon. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kanilang pinagana ang Intelligence Command para tugunan ang iba’t ibang hamong pangseguridad. Sinabi ni Padilla na August 21 pa nilikha ang bagong yunit ng AFP… Continue reading Intelligence Command, itinatag ng AFP upang tutukan ang iba’t ibang hamong pangseguridad

15 4PS Families sa Atimonan, Quezon, napagkalooban ng libreng materyales upang magkaroon ng linya ng Kuryente

Napagkalooban ng libreng materyales ang labing-limang pamilya sa Atimonan, Quezon, na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, upang magkaroon ng sariling linya ng kuryente mula sa Quezon Electric Cooperative o QUEZELCO 1. Ayon sa pabatid ng DSWD IV-A, kamakailan ay nagsagawa ng oryentasyon ang QUEZELCO 1, katuwang ang lokal na pamahalaan, para sa… Continue reading 15 4PS Families sa Atimonan, Quezon, napagkalooban ng libreng materyales upang magkaroon ng linya ng Kuryente

Storm Chaser Team ng PAGASA, nasa Bayan na ng Gonzaga, Cagayan upang obserbahan ang pag land-fall ng bagyong Marce

Tumungo mismo sa Gonzaga, Cagayan ang isang team ng Storm Chasers mula sa DOST-PAGASA Central Office upang makalikom ng real-time at wastong datos kaugnay sa bagyong Marce. Ayon kay PAGASA Tuguegarao Weather Specialist Noel Edillo, sa pakikipag-ugnayan sa LGU, ang hakbang na ito ay bilang paghahanda na rin sa inaasahang pag-landfall ng bagyo sa lalawigan.… Continue reading Storm Chaser Team ng PAGASA, nasa Bayan na ng Gonzaga, Cagayan upang obserbahan ang pag land-fall ng bagyong Marce

Panibagong prangkisa para sa Meralco, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 10926 o panukala para muling bigyan ng 25 taong prangkisa ang Manila Electric Company (Meralco). Nasa 186 na mambabatas ang bumoto pabor dito habang may pitong tumutol, at apat na abstention. Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Meralco na tumalima sa pamantayang itinakda… Continue reading Panibagong prangkisa para sa Meralco, lusot na sa Kamara

Mahigit 600 pamilya sa bayan ng Mahatao,tumanggap ng family food packs mula sa DSWD

Namahagi nitong Martes, November 5, 2024, ang Department of Social Welfare and Development ng mga family food packs sa mga residente ng bayan ng Mahatao. Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Cyrus Barren, nasa 615 na pamilya ang tumanggap ng tig-isang FFP mula sa DSWD. Ang mga nasabing ayuda ay bahagi ng tulong… Continue reading Mahigit 600 pamilya sa bayan ng Mahatao,tumanggap ng family food packs mula sa DSWD

PNP Chief Gen. Marbil, dumalo sa ika-92 INTERPOL General Assembly sa Europa

Nasa Glasgow, United Kingdom ngayon si Phlippine National Police (PNP) Chief, General Rommel Francisco Marbil. Ito’y para dumalo sa ika-92 General Assembly sessions ng International Police (INTERPOL) na nagsimula kahapon, November 6 hanggang November 9. Dahil dito, pansamantalang uupo si Deputy Chief for Operations, Police Lt. Gen. Michael John Dubria bilang Officer-In-Charge ng PNP. Ang dokumento… Continue reading PNP Chief Gen. Marbil, dumalo sa ika-92 INTERPOL General Assembly sa Europa

Party-list solon sa Senado: Tignan ang benepisyong naihatid ng ‘Ayuda sa Kapos ang Kita Program’ ng DSWD sa taumbayan

Bagaman nirerespeto ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang pahayag ng Senado sa “Ayuda sa Kapos ang Kita Porgram” o AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nanawagan ito sa mga senador na tignan muna ang benepisyong naihatid nito sa taumbayan. Ginawa ni Acidre ang pahayag kasunod ng rekomendasyon ng Senate Finance Committee… Continue reading Party-list solon sa Senado: Tignan ang benepisyong naihatid ng ‘Ayuda sa Kapos ang Kita Program’ ng DSWD sa taumbayan

DILG, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng force evacuation kasunod ng banta ng bagyong Marce

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na higpitan ang pagpapatupad ng force evacuation sa mga lugar na tukoy nang maaapektuhan ng bagyong Marce. Sa isang memorandum, binigyang-diin ng DILG na kailangang sundin ang mga panuntunan sa ilalim ng Oplan Listo sa mga lugar na may banta… Continue reading DILG, inatasan ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng force evacuation kasunod ng banta ng bagyong Marce

Gobyerno, isusulong ang ilang mga hakbangin para mapabuti pa ang labor force ng Pilipinas

Upang lalo pang paghusayin ang labor force survey ng Pilipinas, ilang mga hakbangin pa ang isinusulong ng pamahalaan para ihatid ang de-kalidad na trabaho sa mga Pilipino. Ginawa ng Department of Finance (DOF) ang pahayag kasunod ng inilabas na 3.7 percent na unemployment rate ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa buwan ng Setyembre. Kabilang… Continue reading Gobyerno, isusulong ang ilang mga hakbangin para mapabuti pa ang labor force ng Pilipinas

Hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group, pansamantalang inalis sa puwesto

Pansamantala na ring inalis sa puwesto si Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director, Police Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga. Nabatid na may kaugnayan ito sa ikinasang operasyon ng Pulisya sa binansagang “Mother of all scam hub” sa Century Peak Condominium sa Ermita, Manila noong October 31. Magugunitang magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan… Continue reading Hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group, pansamantalang inalis sa puwesto