Pagpapatupad ng 4PH Program ng pamahalaan, sisimulan na sa San Juan City

Sisimulan na ang pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng pamahalaan sa San Juan City. Layon ng programang ito na mabigyan ng disenteng pabahay ang mga Pilipino, lalo na ang mga informal settler families. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking tulong ang 4PH program para sa mga San Juaneño… Continue reading Pagpapatupad ng 4PH Program ng pamahalaan, sisimulan na sa San Juan City

Pamahalaan, di tututulan sakaling isuko ni dating Pangulong Duterte ang sarili sa imbestigasyon ng ICC

Hindi haharangin ng pamahalaan sakaling isuko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili sa International Criminal Court (ICC), kaugnay sa imbestigasyon sa mga umano’y human rights violation sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon. Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasunod ng sinabi ng dating pangulo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw… Continue reading Pamahalaan, di tututulan sakaling isuko ni dating Pangulong Duterte ang sarili sa imbestigasyon ng ICC

Dating Pangulong Duterte, umamin na nagtatanim ng ebidensya noong siya ay alkalde pa

Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtanim siya ng ebidensya sa isang pinaghihinalaang kriminal noong siya ay mayor ng Davao City. Ang salaysay ng dating Pangulo ay bilang sagot sa interpelasyon ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez. Tinukoy ni Fernandez ang isang video ni Duterte, noong 2016 kung saan kinuwento niya sa harap ng… Continue reading Dating Pangulong Duterte, umamin na nagtatanim ng ebidensya noong siya ay alkalde pa

Pag-ulan sa ilang lalawigan sa Luzon, asahan ngayong hapon — PAGASA

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan ngayong hapon sa ilang bahagi ng Luzon. Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararamdaman ang mga pag-ulan sa Lalawigan ng Laguna, Laguna, Cavite, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija sa loob ng dalawang oras. Nakakaranas na rin ng mga pag-ulan sa Quezon City, Caloocan at Marikina… Continue reading Pag-ulan sa ilang lalawigan sa Luzon, asahan ngayong hapon — PAGASA

DSWD Chief, ipinag-utos ang paglalatag pa ng maraming food packs para sa Northern Luzon sa gitna ng bagyong Ofel

Pinadadagdagan pa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglalatag ng maraming family food packs (FFPs) sa Northern Luzon habang may banta pa ang bagyong Ofel. Napansin ni Secretary Gatchalian, na magkatulad ang track ng bagyong Ofel at Pepito sa dinaanan ng bagyong Nika, na nagdulot ng pinsala sa Lalawigan… Continue reading DSWD Chief, ipinag-utos ang paglalatag pa ng maraming food packs para sa Northern Luzon sa gitna ng bagyong Ofel

Dating Pangulong Duterte, pinanindigan ang pahayag sa Senado na siya ang responsable sa mga naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon

Muling inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon. Sa interpelasyon ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, tinanong nito ang dating punong ehekutibo kung tinitindigan niya ang nauna niyang pahayag sa Senado. Diin ni Duterte, aakuin niya ang mga naging aksyon ng law… Continue reading Dating Pangulong Duterte, pinanindigan ang pahayag sa Senado na siya ang responsable sa mga naganap sa ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon

Publiko, pinag-iingat sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng BSP

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng BSP, upang manghingi ng pera at mangako ng bahagi sa pondong umano’y nakadeposito sa isang bank account. Ginawa ng BSP ang pahayag nang makatanggap sila ng ulat na isang nagngangalan na “12 Stars Sunflower Holding Corporation” na… Continue reading Publiko, pinag-iingat sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng BSP

Philippine Eagle Chick No.30, isinilang sa National Bird Breeding Sanctuary sa Davao City

Inanunsyo ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang matagumpay na pagkapisa ng Philippine Eagle Chick #30 sa National Bird Breeding Sanctuary (NBBS) sa Brgy. Eden, Toril District, lungsod ng Davao. Ayon sa impormasyon mula sa PEF, ang nasabing hatchling ay binuhay sa pamamagitan ng artificial insemination at sumailalim sa 56-day incubation period ang itlog sa tulong… Continue reading Philippine Eagle Chick No.30, isinilang sa National Bird Breeding Sanctuary sa Davao City

DA, nirerepaso ang mga patakaran para mapabilis ang transport ng manok at mga hayop na hindi nakokompromiso ang food safety

Isinasailalim sa komprehensibong pag-aaaral ng Department of Agriculture ang mga regulasyon patungkol sa transport ng mga hayop partikular ang mga manok at baboy. Nais ng DA upang matugunan ang mga hamon sa supply dulot ng matagal ng problema sa kalusugan ng mga hayop. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pag-review sa… Continue reading DA, nirerepaso ang mga patakaran para mapabilis ang transport ng manok at mga hayop na hindi nakokompromiso ang food safety

5th SLP Congress ng DSWD-FO1, matagumpay na binuksan sa Pangasinan

Matagumpay ang pagbubukas ng apat na araw na Sustainable Livelihood Program (SLP) Congress sa bayan ng Bayambang, Pangasinan, na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Field Office 1. Nagsilbing panauhing pandangal sa aktibidad si DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs Under Operations Group Florentino Loyola Jr. Sa kanyang mensahe, ang tema… Continue reading 5th SLP Congress ng DSWD-FO1, matagumpay na binuksan sa Pangasinan