Mga pamilyang nasunugan sa Maynila, binigyan ng ayuda ng DHSUD

Mahigit 800 pamilya sa Lungsod Maynila ang pinagkalooban na ng Unconditional Cash Assistance ng Department of Human Settlements and Urban Development. Ang mga pamilya ay nawalan ng mga bahay sa nangyaring sunog sa Barangay 105, Tondo Manila kamakailan. Ayon kay DHSUD Assistant for Disaster Response Secretary Randy Escolango, ang bigay na tulong ay mula sa… Continue reading Mga pamilyang nasunugan sa Maynila, binigyan ng ayuda ng DHSUD

Signal No. 2, nakataas sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa bagyong Ofel

Napanatili ng Bagyong Ofel ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran ng Philippine Sea. As of 10am, naitala ang sentro ng bagyo sa layong 485 km East Northeast ng Daet, Camarines Norte taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 km/h at pagbugsong hanggang 150 km/h. Nakataas na ngayon ang Signal no.… Continue reading Signal No. 2, nakataas sa ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa bagyong Ofel

Quad Comm, tiniyak na ibibigay ang buong paggalang kay dating Pang. Duterte sa kaniyang pagharap sa komite

Mismong si Quad Comm lead Chairperson Robert Ace Barbers ang nagsabi na titiyakin ng komite na ibibigay ang paggalang at respeto sa dating pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay kasabay ng pagharap ng dating pangulo sa ika-11 pagdinig ng komite ukol sa isyu ng ipinatupad na ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon at ang iniuugnay na… Continue reading Quad Comm, tiniyak na ibibigay ang buong paggalang kay dating Pang. Duterte sa kaniyang pagharap sa komite

SSS, pinalakas ang security feature sa My.SSS Portal; mga miyembro, hinikayat na mag-update ng contact information

Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro na agad na i-update ang kanilang contact information, partikular ang kanilang mobile number sa My.SSS Portal. Kasunod ito ng ipinatutupad nang Multi-Factor Authentication (MFA) ng state-run pension fund sa kanilang online portal. Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas, ginawa ang hakbang bilang dagdag na security… Continue reading SSS, pinalakas ang security feature sa My.SSS Portal; mga miyembro, hinikayat na mag-update ng contact information

QuadComm, nais samantalahin ang pagkakataon na marinig ang panig ni dating Pang. Duterte ukol sa isyu mg war on drugs at EJK

Nais samantalahin ng Quad Committee ang pagkakataon na madinig ang panig ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa kanilang pagtalakay sa usapin ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ito ang tugon ni Quad Comm Overall Chair Robert Ace Barbers nang tanungin kung bakit biglang tinuloy ng komite ang pagdinig ngayong araw. Aniya wala silang natanggap… Continue reading QuadComm, nais samantalahin ang pagkakataon na marinig ang panig ni dating Pang. Duterte ukol sa isyu mg war on drugs at EJK

Panukala para bumuo ng Department of Disaster Resilience, lusot na sa komite sa Kamara

Tuluyan nang naaprubahan ang technical working group (TWG) report para sa panukala na bubuo ng Department of Disaster Resilience (DDR). Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, tagapamuno ng TWG, ang naitalang nasawi sa bagyong Kristine ay nagpapakita ng kahalagahan ng kahandaan sa kalamidad na magiging posible lang kung mayroong isang matatag na institusyon. “Good institutions… Continue reading Panukala para bumuo ng Department of Disaster Resilience, lusot na sa komite sa Kamara

Kaso laban kay dating PCSO General Manager Royina Garma kaugnay ng Barayuga murder, isasampa ng PNP bago matapos ang linggo

Kinukumpleto na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang mga kinakailangang dokumento para tuluyan nang maisampa sa korte ang kaso laban kay dating Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) General Manager Royina Garma. Ito’y may kaugnayan sa nangyaring pagpatay kay dating PCSO Board Secretary at retired General Wesley Barayuga at driver nito noong 2020. Ayon kay PNP… Continue reading Kaso laban kay dating PCSO General Manager Royina Garma kaugnay ng Barayuga murder, isasampa ng PNP bago matapos ang linggo

Learning loss ng mga mag-aaral dahil sa sunud-sunod na bagyo, tutugunan ng DepEd

Pinulong ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara ang National Management Committee (NMC) para talakayin ang mga gagawing pagtugon sa learning losses ng mga mag-aaral sa gitna nang sunod-sunod na suspensyon ng klase dahil sa mga bagyo at sama ng panahon. Batay sa datos ng DepEd, aabot sa 35 class suspension ang naitala sa… Continue reading Learning loss ng mga mag-aaral dahil sa sunud-sunod na bagyo, tutugunan ng DepEd

P17.7-M na financial assistance, nakatakdang ibigay sa mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity

Aabot sa P17.7-M na financial assistance ang nakatakdang ibigay ng lokal na pamahalaan ng Davao sa mga provincial at local government unit (LGU) na apektado ng bagyong Kristene. Inaprubahan ng mga miyembro ng 20th City Council ng Davao sa regular session ang nasabing tulong pinansyal matapos magdeklara ng state of calamity ang 36 na lugar… Continue reading P17.7-M na financial assistance, nakatakdang ibigay sa mga lugar na nagdeklara ng State of Calamity

PNP, nilinaw na di sa kanila nanggaling ang impormasyon na life threatening ang karamdaman ni Apollo Quiboloy

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng mga isinagawang pagsusuri ng Philippine Heart Center kay Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang inihayag ng PNP makaraang isailalim si Quiboloy sa serye ng pagsusuri gaya ng CT Scan, Ultrasound, XRay, Stress test, at 2D Echo. Magugunitang dinala sa nasabing… Continue reading PNP, nilinaw na di sa kanila nanggaling ang impormasyon na life threatening ang karamdaman ni Apollo Quiboloy