Field testing ng mga ACM na gagamitin para sa 2025 National, Local, at BARMM Parliamentary Elections, isinagawa ng COMELEC

Isinasagawa ngayong araw, Nobyembre 16, 2024, ng Commission on Elections (COMELEC) ang field testing para sa transmission ng mga boto mula sa Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin para sa paparating na 2025 National, Local, at BARMM Parliamentary Elections. Isa sa mga pangunahing lugar kung saan isinagawa ang test ay sa may Tipas Elementary School… Continue reading Field testing ng mga ACM na gagamitin para sa 2025 National, Local, at BARMM Parliamentary Elections, isinagawa ng COMELEC

Deployable Response Group ng Coast Guard District Central Visayas, nakahanda na sa pagresponde kung kinakailangan

Nakaantabay na ang Coast Guard District Central Visayas lalo na sa mga lugar sa Central Visayas na apektado ng bagyong Pepito. Tiniyak ng pamunuan ng PCG sa Central Visayas na handa ang kanilang mga tropa sa pamamagitan ng pag-mobilize ng kanilang Deployable Response Group o DRG. Ang DRG ng PCG District Central Visayas ay nakatutok… Continue reading Deployable Response Group ng Coast Guard District Central Visayas, nakahanda na sa pagresponde kung kinakailangan

Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, welcome sa party-list solon

Itinuturing ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas na isang magandang balita ang ulat na posibleng ilipat na ng Indonesia ang kustodiya kay Mary Jane Veloso sa Pilipinas. Sa isang sulat na inilabas noong November 11, kinumpirma ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction ng Indonesia na nagpulong sina minister Yusril Ihza Mahendra… Continue reading Posibleng pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, welcome sa party-list solon

Nasa 41,200 pamilya mula sa high-risk areas sa Camarines Sur nailikas dahil sa banta ng Bagyong Pepito

Sa maghapon na pagpapatupad ng mandatory evacuation sa Camarines Sur kahapon, November 15, 2024, umabot na umano sa 41,200 na pamilya ang nailikas mula sa mga high-risk areas sa lalawigan. Batay sa post ni Gov. Luigi Villafuerte, kabuuang 41,200 na pamilya ang nailikas patungo sa ligtas na evacuation sites sa Camarines Sur kaugnay ng paghahanda… Continue reading Nasa 41,200 pamilya mula sa high-risk areas sa Camarines Sur nailikas dahil sa banta ng Bagyong Pepito

Code White Alert, itinaas ng DOH bilang paghahanda sa Bagyong Pepito

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert sa Central Office nito at mga apektadong rehiyon bilang paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito. Kabilang dito ang mga rehiyon ng National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Eastern at Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao. Sa ilalim ng alertong… Continue reading Code White Alert, itinaas ng DOH bilang paghahanda sa Bagyong Pepito

PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

Ipinanawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga stranded na pasahero na agad lumikas patungo sa evacuation centers ng mga local goverment unit (LGU) bilang pag-iingat sa panganib na dulot ng storm surge bunsod ng Bagyong #PepitoPH. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inatasan na nito ang lahat ng Port Management Offices na makipag-ugnayan… Continue reading PPA, umapela sa agarang paglikas ng mga stranded na pasahero patungo sa mga evacuation center

Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH

Kasunod ng pagtaas ng Manila DRRM Office sa Red Alert Status sa Lungsod ng Maynila para sa paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nakipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan nito sa ilang paaralan na maaaring gamitin bilang evacuation centers. Ilan sa mga tinukoy na paaralan ay ang Ninoy Aquino Elementary School, Pres. Corazon Aquino… Continue reading Lungsod ng Maynila, patuloy ang paghahanda sa paparating na Bagyong #PepitoPH

PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa pagpasok ng panibagong bagyong Pepito sa bansa. Sa ulat ng PRC, in-activate na ang kanilang anticipatory action efforts para maprotektahan ang publiko sa perwisyong idudulot ng bagyo. Payo ng PRC Disaster Management Services sa komunidad na protektahan na ang mga tahanan, mga pananim at iba… Continue reading PRC, nakaalerto na sa Bagyong #PepitoPH

LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

Pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16, ang Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension Project. Ang proyektong ay sinasabing isang mahalagang hakbang ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor para sa mas mabilis, mas maayos, at mas abot-kayang transportasyon sa pagitan ng Metro Manila at Cavite. Ang Phase 1 ng extension ay may kabuuang haba na… Continue reading LRT 1 Cavite Extension Project Phase 1, pormal nang binuksan ngayong araw, Nobyembre 16

NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH

Nagpatupad na ng mga paghahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagpasok ng Bagyong #PepitoPH. Pagsisikapan ng NGCP na maibsan ang epekto ng bagyo sa mga operasyon at transmission facilities nito. Kasama sa kanilang paghahanda ang pagtiyak na may sapat na communication equipment, pagkakaroon ng hardware materials at mga suplay na kailangan… Continue reading NGCP at NEA, tiniyak na ang paghahanda sa epekto ng Bagyong #PepitoPH