Pagpapadala ng dagdag na 45k family food packs sa Catanduanes, tiniyak ng DSWD

Sinisiguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Catanduanes Provincial Government na magpapadala pa ito ng karagdagang family food packs para sa mga naapektuhan ng bagyong Pepito. Ayon kay Secretary Gatchalian, magpapadala ang DSWD ng dagdag na 45,000 family food pack (FFPs), bukod pa ito sa 10,000 FFPs na  naka-preposition na bago pa man mag-landfall ang… Continue reading Pagpapadala ng dagdag na 45k family food packs sa Catanduanes, tiniyak ng DSWD

Panukalang amyenda sa Safe Space Act, inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality

Inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality ang consolidation ng panukalang pagpapataw ng mas mahigpit na parusa sa paglabag ng gender-based sexual harassment sa mga workplace at education or training center. Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Safe Spaces Act o RA 11313. Ayon kay Bataan Rep. Geraldine Roman na siyang chair… Continue reading Panukalang amyenda sa Safe Space Act, inaprubahan ng House Committee on Women ang Gender Equality

Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang pagbuo ng technical working group (TWG) para sa pagtatag ng Barangay Management and Information System. Ayon kay Committee Chair at Navotas Representative Toby Tiangco, layon ng House Bill 150 na magkaroon ng centralized system para sa mas madali ang decision making lalo na kung may… Continue reading Panukalang Barangay Management and Information System, makatutulong tuwing may kalamidad

NGCP, inaapura na ang pagsasaayos ng 3 pang bumigay na transmission line sa Luzon

Tatlong transmission line facility na lang ang hindi pa tapos makumpuni ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Gayunman inaapura na ng mga line crew na maibalik ang operasyon ng mga unavailable na transmission line. Sabayan na ang isinasagawang restoration activities sa Cabanatuan-Bulualto 69kv line, Santiago-Cauayan 69kv line, at Cabanatuan-San Luis 69kv line. Apektado… Continue reading NGCP, inaapura na ang pagsasaayos ng 3 pang bumigay na transmission line sa Luzon

Pilipinas, posibleng makalaya sa ‘grey list’ ng FATF sa February 2025 —AMLC

Inihayag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na posible nang maialis ang Pilipinas sa “gray list” ng Financial Action Task Force (FATF) sa February 2025. Sa panayam kay AMLC Executive Director Matthew M. David naniniwala siya matatanggal na sa ‘grey list’ ang bansa at dapat ay masustine ang mga reporma para sa mga susunod na evaluation… Continue reading Pilipinas, posibleng makalaya sa ‘grey list’ ng FATF sa February 2025 —AMLC

Pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad, titiyaking sapat sa 2025 national budget

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senator Grace Poe na palalakasin ng panukalang 2025 budget ang calamity fund para makapaghatid ng mabilis at napapanahong tulong sa mga komunidad na naaapektuhan ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.  Ayon kay Poe, nasa P21 billion ang nakalaang pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund… Continue reading Pondo para sa pagtugon sa mga kalamidad, titiyaking sapat sa 2025 national budget

DILG secretary Remulla, Civil Service Chair Yap, sasalang na sa Commission on Appointments sa November 20

Nakatakdang humarap sa makapangyarihang Commission on Appointments sa Miyerkules, November 20, si DILG Sec. Jonvic Remulla para sa kaniyang kumpirmasyon ayon kay CA Assistant Minority Leader at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel Ani Pimentel, mahalagang matalakay na ang appointment ni Remulla lalo at anim na buwan na lang bago ang eleksyon. “There’s a high… Continue reading DILG secretary Remulla, Civil Service Chair Yap, sasalang na sa Commission on Appointments sa November 20

Walong focus crime sa QC, naibaba ng QCPD sa unang quarter ng taon

Ikinatuwa ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagbaba ng walong focus crimes sa Lungsod Quezon sa unang quarter ng taong 2024. Ayon kay QCPD Acting Director Melecio Buslig Jr., mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 15 2024, nakapagtala ang pulisya ng 187 insidente ng walong major crimes kumpara sa 240 insidente na naitala mula Agosto… Continue reading Walong focus crime sa QC, naibaba ng QCPD sa unang quarter ng taon

Nasa isa o dalawa pang bagyo, posibleng pumasok sa bansa bago matapos ang 2024

Nasa isa o dalawang bagyo pa ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), sa buwan ng Disyembre. Pahayag ito ni PAGASA Engr. Juanito Galang Jr., sa gitna ng nagpapatuloy na monitoring ng pamahalaan sa pinakahuling galaw ng Super Typhoon Pepito. Sa PCO-OCD briefing ngayong hapon (November 18), sinabi ng opisyal… Continue reading Nasa isa o dalawa pang bagyo, posibleng pumasok sa bansa bago matapos ang 2024

Mga Pulis na nasawi at nasugatan sa madugong drug buy-bust ops sa Sultan Kudarat, pinarangalan

Binigyang parangal ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawa nitong tauhan na nasawi gayundin ang dalawang nasugatan sa madugong drug buy-bust operations sa Sultan Kudarat, nitong Biyernes. Personal na iginawad ni PDEG Director, Police Brigadier General Eleazar Matta ang medalya ng kadakilaan kina Police Corporal Kurt Sipin at Patrolwoman Roselyn Bulias,… Continue reading Mga Pulis na nasawi at nasugatan sa madugong drug buy-bust ops sa Sultan Kudarat, pinarangalan