Pangulong Marcos, nakausap na si US Pres. Trump; Pagpapalalim pa ng samahan ng US at PH, isusulong ng 2 lider

Asahan na ang patuloy pang pagpapatatag ng kooperasyon ng Pilipinas at Estados Unidos, sa ilalim ng administrasyon ni President-Elect Donald Trump. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaninang umaga (November 19), nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap sa telepono si Pres. Trump, kung saan ipinaabot niya ang pagbati sa pagkakapanalo nito sa katatapos lang… Continue reading Pangulong Marcos, nakausap na si US Pres. Trump; Pagpapalalim pa ng samahan ng US at PH, isusulong ng 2 lider

PAGASA, inanunsiyo na ang pagpasok ng Amihan Season sa bansa

Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng “Amihan Season” o Northeast Monsoon ngayong araw. Ito ay matapos maobserbahan na ang paglakas ng Northeasterly Winds sa hilagang bahagi ng Luzon, matapos ang pananalasa ng bagyong Pepito. Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, asahang magiging malamig na ang panahon at titindi pa sa mga susunod na… Continue reading PAGASA, inanunsiyo na ang pagpasok ng Amihan Season sa bansa

Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, nakarating na sa Bicol Region

Nakarating na sa Bicol Region ang mga truck na bahagi ng Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada. Sakay ng 24 na truck na ito ang relief goods at rehabilitation items para sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyong tumama sa Pilipinas, pinakahuli ang bagyong Pepito.… Continue reading Tabang Bicol, Tindog Oragon relief caravan ng Kamara, nakarating na sa Bicol Region

Ilang malalayong barangay sa CAR, nahatiran na ng tulong ng DSWD

Apat na barangay sa Bauko Mountain Province ang napasok na ng mga personnel ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) sa Cordillera Administrative Region (CAR). Sa ulat ng DSWD Field Office CAR, kabilang ang lugar na ito sa mga napinsala ng grabe ng bagyong Pepito. Mga family food pack at non food items ang… Continue reading Ilang malalayong barangay sa CAR, nahatiran na ng tulong ng DSWD

CICC, susunod sa panawagan ni PBBM hinggil sa Christmas parties

Nakahandang sumunod ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iwasan ang magarbong selebrasyon ng Christmas parties. Ayon sa opisina ni CICC Executive Director Alex Ramos, wala pa silang plano hinggil sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan. Nakatutok kasi anila ang kanilang opisina sa budget hearings at… Continue reading CICC, susunod sa panawagan ni PBBM hinggil sa Christmas parties

Mga pulis na naapektuhan ng war on drugs ng nakaraang administrasyon, tutulungan ng Kongreso

Ikinasa ng House Committee on Public Order and Safety ang motu proprio inquiry tungkol sa mga pulis na naapektuhan ng pag-sunod sa pagpapatupad ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ayon kay Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, chair ng komite, layunin ng pag-dinig na ito na matulungan ang mga pulis na nahaharap sa kaso,… Continue reading Mga pulis na naapektuhan ng war on drugs ng nakaraang administrasyon, tutulungan ng Kongreso

₱42 kada kilong bigas sa Murphy Market, mabilis naubos

Tinangkilik ng mga mamimili ang bentahan ng mas murang bigas sa mga palengke kabilang ang Murphy Market sa Quezon City. Ayon kay Mang Mario, may bigasan sa palengke, wala pang isang linggo ay naubos na agad ang stock nila ng ₱42 kada kilo ng bigas dahil marami ang nakaabang nito. Sa ngayon, nag-aantay pa umano… Continue reading ₱42 kada kilong bigas sa Murphy Market, mabilis naubos

DA, puspusan pa ang pangangalap ng datos sa pinsalang iniwan ni bagyong Pepito sa sektor ng agrikultura

Wala pang maipakitang datos ang Department of Agriculture sa lawak at halaga ng pinsala na dulot ni bagyong Pepito. Hanggang ngayon, patuloy pa ang assessment na ginagawa ng DA Regional Field Offices sa mga apektadong lugar. Pero tiniyak ng ahensya na may mga intervention ng nakahanda para sa mga magsasaka at mangingisda. Tulad ng mga… Continue reading DA, puspusan pa ang pangangalap ng datos sa pinsalang iniwan ni bagyong Pepito sa sektor ng agrikultura

Presyo ng gulay, posibleng manatiling mataas dahil sa epekto ng sunod-sunod na bagyo

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na posibleng magtuloy tuloy pa sa mga susunod na linggo ang nararanasan ngayong taas-presyo sa ilang gulay dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo. Kabilang sa mga gulay na sumipa ang presyo sa ngayon ang ampalaya na umaabot hanggang ₱200 ang kada kilo, talong na nasa ₱150-₱220 ang kada… Continue reading Presyo ng gulay, posibleng manatiling mataas dahil sa epekto ng sunod-sunod na bagyo

Mobile Command Center ng DSWD, nakarating na sa Nueva Vizcaya

Nakadeploy na ang Mobile Command Center (MCC) ng DSWD Field Office 2 – Cagayan Valley sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya na isa sa mga labis na napinsala ng Bagyong Pepito. Partikular na nakapwesto ito sa mismong munisipyo ng bayan sa barangay Don Mariano Marcos (Centro) harap ng Saint Dominic Cathedral. Ayon sa DSWD, layon… Continue reading Mobile Command Center ng DSWD, nakarating na sa Nueva Vizcaya