Senador Jinggoy Estrada, giniit na kaya niyang patunayan ang pagkakaroon ng flying voters sa San Juan City

Nanindigan si Senate President pro tempore Jinggoy Estrada na kaya niyang patunayan ang iregular na pagtaas ng mga botante sa San Juan City mula 2016 hanggang sa kasalukuyan. Ito ang tugon ng mambabatas sa hamon ni San Juan City Mayor Francis Zamora na patunayan ang kanyang alegasyon tungkol sa flying voters sa lungsod. Una nang… Continue reading Senador Jinggoy Estrada, giniit na kaya niyang patunayan ang pagkakaroon ng flying voters sa San Juan City

20 bata mula sa iba’t – ibang panig ng Mindanao, nakabenepisyo sa libreng operasyon ng NCF Medical Mission

Nakabenepisyo ang 20 batang may craniofacial deformities, cleft palate, at cleft lip mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao sa libreng operasyon ng Noordhoff Craniofacial Foundation (NCF) Medical Mission mula sa bansang Taiwan nitong nakaraang November 19 hanggang November 21, 2024. Sa isang press conference, sinabi ni NCF Philippine Counterpart Program Coordinator Dax Carlo Pascasio… Continue reading 20 bata mula sa iba’t – ibang panig ng Mindanao, nakabenepisyo sa libreng operasyon ng NCF Medical Mission

PNP, handang umalalay sa pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa bansa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan nito para umalalay sa pagbabalik Pilipinas ni Mary Jane Veloso. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, naghihintay lamang sila ng pormal na ugnayan mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan hinggil dito. Gayunman, sinabi ni Fajardo na maaari silang magbigay ng… Continue reading PNP, handang umalalay sa pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa bansa

Pagdinig sa kasong Qualified Human Trafficking laban kay Apollo Quiboloy sa Pasig RTC, magpapatuloy ngayong araw; kalusugan nito, nananatiling maayos — PNP

Muling sumalang sa pre-trial hearing ng Pasig City Regional Trial Court Branch 59 si Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy at apat na kapwa akusado nito, kaugnay sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa laban sa kanila. Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, haharap sa pagdinig ang Pastor via online dahil… Continue reading Pagdinig sa kasong Qualified Human Trafficking laban kay Apollo Quiboloy sa Pasig RTC, magpapatuloy ngayong araw; kalusugan nito, nananatiling maayos — PNP

1,000 ambulant vendors sa QC, tumanggap ng Pamaskong Handog sa LGU

Sinimulan na ng Quezon City Local Government ang taunang gift-giving nito o ang pamamahagi ng Pamaskong Handog para sa mga vulnerable sector sa lungsod. Kabilang sa nakatanggap ng Pamaskong Handog ang nasa 1,000 tindero at tinderang QCitizen sa District 1. Laman nito ang grocery packs na sakto pang-Noche Buena ngayong nalalapit na Pasko. Pinangunahan nina… Continue reading 1,000 ambulant vendors sa QC, tumanggap ng Pamaskong Handog sa LGU

Defense Ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia, nagkaisa sa panawagan ng isang malayang Indo-Pacific Region

Nagkakaisa ang limang magkaalyadong bansa na nakapalibot sa Indo-Pasipiko para sa bukas at malayang rehiyon kung saan, iginagalang ang international law at soberanya ng bawat bansa. Ito ang naging buod ng pagpupulong ng mga Defense Minister ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia sa isinagawang ASEAN Defense Ministers’ Meeting sa Vientian, Laos. Kabilang sa… Continue reading Defense Ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia, nagkaisa sa panawagan ng isang malayang Indo-Pacific Region

Pinakahuling Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong taon, idaraos ngayong araw sa probinsya ng Samar

Pangungunahan ni House  Speaker Martin Romualdez ang ika-25th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong araw sa probinsya ng Samar. Inaasahang aabot sa ₱700 million na halaga ng serbisyo at 60,000 beneficiaries ng cash aid ang ibabahagi sa mga taga-Samar sa Northwest Samar State University sa siyudad ng Calbayog. Ito ang magsisilbing final installment ng BPSF na flagship initiative… Continue reading Pinakahuling Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ngayong taon, idaraos ngayong araw sa probinsya ng Samar

Air Force, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga nasalanta ng Super Bagyong Pepito sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon sa Air Force, ito ay bahagi pa rin ng kanilang Humanitarian Assistance at Disaster Relief operations sa nasabing lalawigan na siyang unang nakatikim ng hagupit ng super bagyo. Sakay ng C-130 aircraft, inihatid… Continue reading Air Force, patuloy sa paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng Super Bagyong Pepito sa Catanduanes

Simultaneous clean-up drive kontra dengue, ikakasa sa QC bukas

Sa pinaigting na kampanya kontra dengue, isang Simultaneous Dengue Information and Cleanup Drive ang isasagawa ng Quezon City LGU sa lahat ng barangay sa lungsod. Isasagawa ito sa Sabado, November 23, ganap na alas-7 ng umaga. Kaugnay nito ay hinikayat ng pamahalaang lungsod ang lahat na makiisa sa paglilinis ng loob at labas ng bahay… Continue reading Simultaneous clean-up drive kontra dengue, ikakasa sa QC bukas

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱277-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito

Walang patid pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo ngayong Nobyembre. Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umakyat na sa ₱277-million ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya mula sa walong rehiyon sa bansa. Kabilang sa… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱277-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Nika, Ofel, at Pepito