Kamara, nanindigan na hindi para sa politika at eleksyon ang mga congressional inquiries

Inalmahan ng mga kongresista mula sa administrasyon at oposisyon ang paratang ng Bise Presidente na ginagamit ng Kamara ang mga congressional hearings para sa politika at eleksyon. Para kay House Majority Leader Mannix Dalipe, isa itong insulto sa Kongreso, lalo na sa taumbayan na may karapatang malaman kung paano ginamit ang milyong pisong pondo. “This… Continue reading Kamara, nanindigan na hindi para sa politika at eleksyon ang mga congressional inquiries

Young Guns ng Kamara, binatikos ang mga pagbabanta ng bise presidente laban kay PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez

Inalmahan ng Young Guns bloc ng Kamara ang naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban mismo sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama na si First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez. Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega, ang mga “padalos-dalos at mapanganib” na pahayag ng bise ay posibleng indikasyon… Continue reading Young Guns ng Kamara, binatikos ang mga pagbabanta ng bise presidente laban kay PBBM, FL Liza at Speaker Romualdez

DSWD, magpapadala ng Family Food Packs sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato

Ipinag-utos na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagpapadala ng mga family food packs sa mga pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila. Partikular na inatasan ni Secretary Gatchalian ang Disaster Response Management Group na agad makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office ng Maynila. Ito’y para sa agarang assessment sa pinsala… Continue reading DSWD, magpapadala ng Family Food Packs sa mga nasunugan sa Isla Puting Bato

DA Chief, hiniling sa BOC na ipalabas ang nakumpiskang frozen mackerel, at ipagkaloob sa DSWD

Pormal nang hiniling ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Bureau of Customs na i-release ang nakumpiskang 580 metric tons ng frozen mackerel. Sa kanyang sulat na pinadala kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, hiniling nito na ipagkaloob sa DSWD ang shipment para magamit sa relief operations. Sinabi ng kalihim na ligtas sa human consumption… Continue reading DA Chief, hiniling sa BOC na ipalabas ang nakumpiskang frozen mackerel, at ipagkaloob sa DSWD

VP Sara Duterte, pinayagan ng kanyang Chief of Staff na makauwi kapalit ni Sen. Bong Go na magbabantay

Pumayag si OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, na iwanan muna siya ng Bise Presidente sa Veterans Memorial Medical Center. Sa bulletin na inilabas ng pangalawang pangulo, pumayag si Atty. Lopez na makauwi siya at makasama ang kanyang pamilya. Pansamantalang papalit sa kanya sa pagbabantay si Senator Bong Go hanggang makabalik ang Bise Presidente… Continue reading VP Sara Duterte, pinayagan ng kanyang Chief of Staff na makauwi kapalit ni Sen. Bong Go na magbabantay

Selebrasyon ng 85th Founding Anniversary ng QCPD, sinimulan sa pamamagitan ng isang “Community Fun Run”

Higit 1,000 police personnel mula sa iba’t ibang unit at himpilan ng pulisya ang nakiisa sa “Community Fun Run” kaninang umaga. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director Melecio Buslig Jr., ang event ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-85 Founding Anniversary NG QCPD ngayong araw. Nakiisa din sa aktibidad ang mga pamilya… Continue reading Selebrasyon ng 85th Founding Anniversary ng QCPD, sinimulan sa pamamagitan ng isang “Community Fun Run”

Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, patuloy na inaapula ngayong umaga

Patuloy na nilalamon ng apoy ang isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, umaga ng Linggo, Nobyembre 24. Maitim na usok ang pumapalibot sa lugar dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials. Nagtutulungan ang mga residente sa paglikas ng kanilang mga gamit, kabilang ang mga washing machine, refrigerator, TV, gayundin… Continue reading Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, patuloy na inaapula ngayong umaga

Speaker Romualdez hinimok ang ASEAN, iba pang mga bansa na suportahan ang pagtindig ng Pilipinas sa WPS

Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang mga bansa na suportahan ang posisyon ng Pilipinas kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Sa kaniyang pagharap sa Trilateral Commission, isang non-government organization, nanawagan siya para tulungan ang Pilipinas na tindigan ang naipanalong kaso sa Permanent Court of… Continue reading Speaker Romualdez hinimok ang ASEAN, iba pang mga bansa na suportahan ang pagtindig ng Pilipinas sa WPS

Panibagong plantasyon ng marijuana sa Benguet,sinira ng Phil Army at PDEA

Binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng Phillippine Army at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 10,400 piraso ng fully grown marijuana plants sa Benguet Province. Pagtaya ni PDEA Regional Office I Regional Director Joel Plaza, abot sa P2.080 million ang halaga ng marijuana plants ang kanilang nasira. Aniya, nadiskubre ang tatlong plantasyon ng… Continue reading Panibagong plantasyon ng marijuana sa Benguet,sinira ng Phil Army at PDEA

Pagtatayo ng pabahay project sa barangay Tanza, Navotas, sisimulan na—NHA

Uumpisahan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagtatayo ng “Navotaas Homes 5 Phase 2” sa barangay Tanza,Navotas City. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, unang makikinabang sa pabahay ang 180 benepisyaryo mula sa lungsod. Tatlong low-rise buildings ang itatayo sa nasabing barangay na ang bawat unit ay may sukat na 24 sqm at… Continue reading Pagtatayo ng pabahay project sa barangay Tanza, Navotas, sisimulan na—NHA