GCG, malaki ang naging ambag sa revenue collection ng bansa nang di nagpapatupad ng bagong buwis sa taumbayan

Kinilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang kontribusyon ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) sa revenue collection ng bansa. Sinabi ni Recto, itinaas ng GCG ang standard ng corporate governance ng GOCCs at gawin silang “profitable partners” para sa national progress sa pamamagitan ng sustained dividend remittance. Aniya, dahil sa mahigpit na… Continue reading GCG, malaki ang naging ambag sa revenue collection ng bansa nang di nagpapatupad ng bagong buwis sa taumbayan

Koneksyon nina dating Presidential Adviser Michael Yang at self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang, isiniwalat

Sinasabing sangkot sa Chinese intelligence activities sa Pilipinas ang negosyante at dating economic adviser na si Michael Yang. Yan ang naging pahayag ni Senador Risa Hontiveros sa pagpapatuloy ng pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Women tungkol sa operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Iprinisinta ni Hontiveros ang litrato ni Michael Yang… Continue reading Koneksyon nina dating Presidential Adviser Michael Yang at self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang, isiniwalat

Discount voucher para sa pag-aaral ng ilang college students sa QC, muling binuksan

Bukas na muli ang pagkakaloob ng discount voucher para sa pag-aaral sa kolehiyo ng mga residente ng District 1 sa Quezon City. Ito ay sa pamamagitan ng partnership ng pamunuan ng STI Muñoz Edsa QC at ni QC district 1 Councilor Charm Ferrer. Layon nitong matulungan ang mga mag-aaral na mabawasan ang kanilang gastusin sa… Continue reading Discount voucher para sa pag-aaral ng ilang college students sa QC, muling binuksan

Transparency at ilan pang pagbabago sa proseso ng bicam para sa 2025 Budget bill, iminungkahi ni Sen. Imee Marcos

Nanawagan si Senator Imee Marcos na gawing mas transparent at collaborative ang proseso ng pagbuo ng panukalang pambansang pondo sa susunod na taon o ang 2025 General Appropriations bill (GAB). Sa liham na ipinadala ni Senator Imee kay Senate President Chiz Escudero, na pinadaan nito kay Senate Committee on Finance Chairperson Sen. Grace Poe, hinihiling… Continue reading Transparency at ilan pang pagbabago sa proseso ng bicam para sa 2025 Budget bill, iminungkahi ni Sen. Imee Marcos

Lady solon, inalmahan ang panghihikayat ni dating Pang. Duterte sa militar na talikuran ang kasalukuyang administrasyon

Nanawagan si Nueva Ecija Rep. Ria Vergara kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging maingat sa mga bibitiwan nitong salita. Kasunod ito ng panibagong panawagan ng dating chief executive sa militar na talikuran ang kasalukuyang administrasyon. Sabi ni Vergara, sana gaya ng hindi pangingialam ng dating mga presidente sa kaniyang naging pamumuno noon ay huwag… Continue reading Lady solon, inalmahan ang panghihikayat ni dating Pang. Duterte sa militar na talikuran ang kasalukuyang administrasyon

Pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon,nilimitahan na —PAGASA

Nilimitahan na ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao, Binga at Magat Dam sa Luzon. Sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, tig-isang gate na lamang ang binuksan sa tatlong dam na may .3 hanggang 1 metro ang gate opening. Gayunman, nanatiling nakaalerto ang mga residente malapit sa river channel sa posibleng pagtaas ng tubig. Batay sa… Continue reading Pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon,nilimitahan na —PAGASA

NACC at Valenzuela LGU, ipapatupad na ang Philippine Foster Care Program

Magtutulungan ang National Authority of Child Care at Valenzuela City Government sa pagpapatupad ng Philippine Foster Care Program sa lungsod. Ayon kay NACC Undersecretary Janella Estrada, ang tie-up program ng NACC sa mga LGU ay nangangako sa pagbuo ng karagdagang Foster Care Parents at upang magbigay ng support mechanisms lalo na ang basic social services.… Continue reading NACC at Valenzuela LGU, ipapatupad na ang Philippine Foster Care Program

Mga mambabatas, hindi papayag na dungisan ang dangal ng liderato ng Kamara

Tumayo sa plenaryo ng Kamara ang ilan sa mga kinatawan ng political parties para depensahan ang liderato ng Kapulungan. Sa kaniyang manipestasyon ng pagsuporta sa House Resolution 2092, kuniwestyon ni Quezon Rep. Mark Enverga ang motibo sa paninira sa House Speaker. “What drives these accusations, Mr. Speaker? Is it political ambition? Or is it simply… Continue reading Mga mambabatas, hindi papayag na dungisan ang dangal ng liderato ng Kamara

Pag-aangkat ng higit walong libong isda, inaprubahan na ng DA

APRUBADO na ng Department of Agriculture (DA) ang karagdagang importasyon ng 8,280 metric tons ng frozen na isda upang matugunan ang  epekto ng domestic supply ng nakalipas na mga bagyo. Sinabi ni Agriculture Secretary Fracisco Tiu laurel Jr., mahalaga ang certificate of necessity para makapag-import ng 30,000 metric tons ng frozen na small pelagic species gaya ng… Continue reading Pag-aangkat ng higit walong libong isda, inaprubahan na ng DA

House of Representatives, mananatiling nagkakaisa at hindi magpapaapekto sa mga pekeng akusasyon ng Pangalawang Pangulo

Nanindigan si Nueva Ecija 3rd Dist Rep. Ria Vergara na nanatiling nagkakaisa ang miembro ng Kamara de Representates sa suporta sa liderato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni House Speaker Martin Romualdez. Sa kayang manifestation of support sa plenaryo, sinabi ni Vergara na hindi sila magpapaapekto sa mga maling paratang ni Vice President Sara… Continue reading House of Representatives, mananatiling nagkakaisa at hindi magpapaapekto sa mga pekeng akusasyon ng Pangalawang Pangulo