802 wanted persons, arestado ng PNP sa Central Luzon; 91 naman ang nadakip ng Southern Police District

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 802 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office (PRO) 3 sa mga operasyon nito sa Central Luzon, noong Oktubre.

Ayon kay PRO 3 Director Brigadier General Redrico Maranan, kabilang sa mga naaresto ay 142 most wanted persons, 8 regional most wanted persons, 27 provincial most wanted persons, at ang iba ay municipal most wanted persons.

Ang mga ito ay nahaharap sa mga kasong murder, rape, robbery, at drug-related offenses.

Pinuri naman ni Maranan ang PRO 3 operatives sa matagumpay na operasyon at tiniyak na ipagpapatuloy ang kampanya laban sa iligal na gawain at krimen sa rehiyon.

Inutusan din niya ang paglalagay ng mga police outpost sa mga mataong lugar at highways, para sa mas mabilis na pagsugpo sa krimen at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.

Samantala, inihayag ni Southern Police District Director Brig. Gen. Bernard Yang, na 91 wanted persons naman ang naaresto sa kanilang week-long operations noong November 2-8.

Kabilang dito ang 16 Top Most Wanted Persons, 26 Most Wanted Persons, at 49 iba pang Wanted Persons. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us