Pasasalamat ang ipinaabot ng mga lokal na opisyal ng Bicol sa ipinakitang malasakit ng pamahalaang nasyunal sa kanila kasunod ng pagtama ng bagyong Kristine at Pepito.
Ayon kay Legazpi City Mayor Alfredo Garbin Jr., naalala pa niya noong tumugon ang Ako Bicol party-list sa pangangailangan ng Tacloban nang padapain ito ng Super Typhoon Yolanda.
Kaya naman nakakataba aniya ng puso na sinusuklian ito ngayon ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Martin Romuladez na kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
Ganito rin ang sentimiyento ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda.
Aniya, agad nila minobilize ang Team Albay at nagpadala ng mga tauhan sa Leyte at tumulong sa relief at rehabilitation efforts sa loob ng 40 araw. | ulat ni Kathleen Forbes