Muling tumanggap ng panibagong logistical support mula sa GCash ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang suportang ipinaabot ng GCash ay malaking tulong upang mai-deliver ang halos 5,100 kahon ng family food packs sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang tatlong ten-wheeler trucks mula sa GCash ay dumating sa National Resource Operations Center sa Pasay City at naghatid ng family food packs sa Bicol Region.
Aniya, ang Bicol-bound trucks ay ikalawang batch na ng logistical support mula sa GCash,una ay naghatid ng food packs sa Cagayan Valley noong Nobyembre 20.
Inaasahan pa ng ahensya ang pagdating ng karagdagang pang 12 delivery trucks na ipapahiram ng GCash.
Sabi pa ni Dumlao, bukod sa logistical support, nagpadala din ng mga empleyado ang Globe, upang tumulong naman sa tuloy tuloy na repacking activities sa NROC. | ulat ni Rey Ferrer