Bilang patuloy na suporta sa mga solo parent sa lungsod, namahagi ang Quezon City government ng educational assistance sa nasa 500 benepisyaryo para makatulong sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte kasama si Social Services Development Department head Carolina Patalinghog ang ₱5,000 educational assistance na maaaring ipambayad sa matrikula ng kanilang mga nag-aaral na anak.
Kaugnay nito, inihayag pa ng alkalde na aabot sa 50% ng budget ng lungsod ang nakalaan sa social services programs at projects para sa mga pangangailangan ng QCitizens.
Kabilang na rito ang mga sinusulong na programang pangkabuhayan upang magkaroon ng sustainable at maayos na kabuhayan ang mga nangangailangang residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa