Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Pasay City mula alas-8 ng gabi ng Disyembre 2 hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan, Disyembre 3, 2024, ayon sa abisong inilabas ng Maynilad.
Ayon sa Maynilad, ito ay dulot ng essential maintenance work sa Villamor Pumping Station at Reservoir. Kaya naman ayon sa kanila maapektuhan nito ang ilang barangay sa Pasay na kinabibilangan ng:
• Barangay 181, 182, 183 (Newport City, Villamor Air Base)
• Barangay 184, 185 (Andrews Avenue)
• Barangay 201 (Balagbag, Kalayaan Village, NHA)
Pinapayuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig bago ang nakatakdang water interruption. Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang Facebook page ng Maynilad sa Maynilad Water Services, Inc. | ulat ni EJ Lazaro