Kaisa si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong sa pagkakasa ng kagyat at malalimang imbestigasyon ukol sa pahiwatig ni Vice President Sara Duterte na mayroon siyang access sa hitman.
Kasunod ito ng pahayag ng Bise Presidente na sakaling siya ay mamatay, ay may nakausap na siyang indibidwal para patayin ang First Couple pati na si Speaker Martin Romualdez.
Giit niya, tila ginagawa nitong normal ang extrajudicial na mga aksyon.
“The mere suggestion of such a capability reflects a dangerous normalization of extrajudicial means to address personal or political grievances. This is not just a matter of rhetoric—it touches the core of our democratic values and the rule of law. Public officials are expected to uphold justice, fairness, and the Constitution, not to insinuate access to violence as a means of retribution,” giit ni Adiong.
Mahalaga ani Adiong na kagyat itong magsiyasat upang masigurong walang opisyal ng pamahalaan ang may impluwensya at kapangyarihan na hindi sang-ayon sa batas.
Kaya kailangan aniya na maimbestigahan ang pahayag ng Pangalawang Pangulo.
“Our democracy cannot and should not tolerate even the suggestion of extrajudicial solutions to conflicts. The public deserves leaders who uphold justice, not those who imply access to violence as a solution. Nakakabahala,” sabi pa niya.
Hirit naman ni Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores, kung may nakukulong dahil sa bomb joke, mas lalong dapat imbestigahan at kasuhan ang pagbabanta ng Pangalawang Pangulo sa buhay ng Presidente.
Bilang isa ring abogado, kung may kaparusahan para sa bomb joke, higit aniya dapat para sa pagbabanta sa buhay ng pinakamataas na opisyal ng bansa.
“Kung ang simpleng bomb joke nga ay nagiging dahilan para arestuhin at ikulong ang isang tao, paano pa kaya ang pagbabanta ng kamatayan laban sa ating Pangulo? Death threats, especially directed at the President, should never be taken lightly,” sabi ni Flores.
Dapat aniyang aralin ng Department of Justice (DOJ) ang maaaring ipataw kay Duterte na direktang binantaan ang Pangulo.
“In that case, ang simple at biro lamang na bomb joke ay agad na inaaksyunan. Ano pa kaya itong banta Laban sa ating Pangulo? We urge the DOJ to look into possible criminal liability against Vice President Duterte,” dagdag ni Flores.
Paalala pa niya na ang death threat ay isang krimen. Kaya hindi aniya ito basta na lang palampasin dahil mawawalan ng tiwala ang taumbayan sa ating mga institusyon.
“Under our laws, death threats are considered a criminal offense. As a public official, lalo na bilang bise presidente, she has a responsibility to uphold peace and order. Her words have weight, and her actions should set an example,” sabi pa ni Flores. | ulat ni Kathleen Jean Forbes