Balik na sa normal na pagsusuplay ng kuryente ang mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga lalawigang apektado ng mga pag-ulang dulot ng Super Typhoon Pepito.
Ayon sa NGCP, ganap na naibalik kahapon ang power transmission services sa Cabanatuan-San Luis 69kV line na nagseserbisyo sa lalawigan ng Aurora.
Dahil dito, normal na muli ang operasyon ng Aurelco at gayundin ng transmission operations sa Luzon Grid.
Kasunod nito, tiniyak naman ng NGCP sa publiko na patuloy nitong mino-monitor ang mga sama ng panahon at handang i-activate ang OCMC kung sakaling magkaroon ng banta sa mga pasilidad nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa