Sen. Hontiveros, nakikiisa sa panawagan ng Malacañang na iwasan ang marangyang Christmas parties ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinang ayunan ni Senator Risa Hontiveros ang panawagan ng Malacañang sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno na gawing simple na lang ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.

Sa kapihan sa Senado, sinabi ni Hontiveros na matagal na rin itong ginagawa ng kanyang opisina at ilang mga opisina sa senado.

Umaasa rin ang senador na susundin ng iba pang mga opisina at mga lokal na pamahalaan ang panawagang ito ng Malacañang.

Ito ay bilang pakikiisa na rin sa mga kababayan nating hirap pa rin dulot ng iba’t ibang mga problema gaya ng kahirapan, pandemya at mga naapektuhan ng sunod-sunod na mga bagyo.

Binigyang diin rin ni Hontiveros ang nakasaad sa batas, na ang mga nagtratrabaho sa pamahalaan ay dapat mamuhay lang ng simple. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us