Pilipinas, umangat ang ranggo sa 2024 Global e-Participation Index

Photo from Presidential Communications Office

Ipinagmalaki ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtaas ng pwesto ng Pilipinas sa 2024 United Nations e-Participation Index (EPI). Batay sa EPI rankings, nasa ika-49 na ang ranggo ng Pilipinas sa taong 2024, mula sa ika-80 ranggo noong 2022. Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, malinaw na testamento ito ng pag-ulad… Continue reading Pilipinas, umangat ang ranggo sa 2024 Global e-Participation Index

Patong-patong na kaso, isinampa ng PNP laban sa mga militanteng nanakit ng mga pulis sa kilos-protesta sa Mendiola nitong weekend

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananagot ang mga militanteng nanakit sa mga pulis sa kasagsagan ng kilos-protesta kaugnay ng Bonifacio Day noong Sabado. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, agad silang nagsampa ng patong-patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Batas Pambansa 880 dahil sa kawalan… Continue reading Patong-patong na kaso, isinampa ng PNP laban sa mga militanteng nanakit ng mga pulis sa kilos-protesta sa Mendiola nitong weekend

Mga pulis na makikiisa sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyon, di pipigilan ng PNP

Hindi hahadlangan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na magnanais humarap gayundin ay makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC). Ito’y may kaugnayan pa rin sa ikinasang “war on drugs” ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, malaya naman ang mga pulis… Continue reading Mga pulis na makikiisa sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyon, di pipigilan ng PNP

Magat Dam, magpapakawala ng tubig mamayang hapon

Muling magpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela ngayong araw. Sa inilabas na dam discharge warning operation, nakasaad na bubuksan ng isang metro ang isang gate ng Magat Dam bandang alas-2 ng hapon. Paliwanag naman ng NIA-MARIIS, ang pagbubukas na ito ay para pababain ang lebel ng tubig sa Magat Reservoir dahil sa posibleng… Continue reading Magat Dam, magpapakawala ng tubig mamayang hapon

Resulta ng legal negotiations, hinihintay na lamang ni Mary Jane Veloso para makauwi na ito ng bansa

Hinihintay na lamang ng pamilya Veloso ang magiging resulta ng legal negotiations upang ganap nang maka-uwi sa PIlipinas ang kanilang si Mary Jane. Ito ang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos maka-uwi na sa bansa ang kapatid ni Mary Jane na si Maritess Veloso na nabiktima ng pang-aabuso sa Saudi Arabia. Ayon kay… Continue reading Resulta ng legal negotiations, hinihintay na lamang ni Mary Jane Veloso para makauwi na ito ng bansa

Benepisyo para sa 10 pambihirang sakit, inaprubahan ng PhilHealth at tatawaging Z Miracles

Inaprubahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo para sa 10 pambihirang sakit sa ilalim ng kanilang Z Benefit Package. Ayon kay PhilHealth President, Dr. Emmanuel Ledesma, ito’y makaraang makakuha ng ‘go signal’ mula kay Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa sa nakalipas na pagpupulong ng Board noong November 28.… Continue reading Benepisyo para sa 10 pambihirang sakit, inaprubahan ng PhilHealth at tatawaging Z Miracles

Higit sa P25-M na Farm-to-Market Road na proyekto sa Dumingag, Zamboanga del Sur, inaprubahan ng Regional Project Advisory Board IX ng MIADP

Inaprubahan ng Regional Project Advisory Board (RPAB) IX ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP) kahapon ang ipinapanukalang Farm-to-Market Road sa bayan ng Dumingag sa probinsya ng Zamboanga del Sur. Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng higit sa P25-M ay may haba na 1.48 na kilometro at mag-uugnay sa Brgy. Tamurayan at Brgy. Macasing sa… Continue reading Higit sa P25-M na Farm-to-Market Road na proyekto sa Dumingag, Zamboanga del Sur, inaprubahan ng Regional Project Advisory Board IX ng MIADP

PHIVOLCS, muling nagpaalala sa publiko kasunod ng naitalang panibagong phreatic eruption sa Taal Volcano

Patuloy pa rin ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko partikular ang mga nakatira malapit sa Bulkang Taal sa Batangas na manatiling nakaalerto at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan. Kasunod ito ng isa na namang phreatic o pagbuga ng usok o steam na naitala mula sa Main Crater ng Bulkang Taal kaninang umaga. Ayon… Continue reading PHIVOLCS, muling nagpaalala sa publiko kasunod ng naitalang panibagong phreatic eruption sa Taal Volcano

Malabon LGU, nagkasa ng Mega Job Fair ngayong araw

Nasa higit 70,000 trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers sa Mega Job Fair ng Malabon LGU ngayong araw, December 3. Gaganapin ang job fair sa Malabon Sports Complex mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, ito na ang ikalimang Mega Job Fair na inorganisa ng pamahalaang lungsod ngayong 2024.… Continue reading Malabon LGU, nagkasa ng Mega Job Fair ngayong araw

EO para sa opsyon ng ‘half-cup rice’ sa gov’t agencies, itinutulak ng PhilRice

Umaasa ang Department of Agriculture-PhilRice na makapag-isyu na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order (EO) para hikayatin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng opsyon na ‘half-cup rice.’ Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na naitatalang daan-daang metrikong tonelada ng bigas at kanin ang nasasayang kada taon… Continue reading EO para sa opsyon ng ‘half-cup rice’ sa gov’t agencies, itinutulak ng PhilRice