Natumbang kandila, hinihinalang mitsa ng sunog sa Mandaluyong City

Tinatayang aabot sa humigit kumulang 50 kabahayan ang naabo matapos sumiklab ang sunog sa Brgy. Barangka Ilaya sa Lungsod ng Mandaluyong kaninang madaling araw. Inabot ng halos 4 hours ang mga opertiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) gayundin ng mga Fire Volunteer bago tuluyang ideklarang fire out dakong 6:23 AM. Dalawa ang isinugod sa… Continue reading Natumbang kandila, hinihinalang mitsa ng sunog sa Mandaluyong City

Peace at Development Projects sa mga conflict affected areas, nakumpleto na ng DSWD

Natapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng ibat ibang peace and development projects sa mga maituturing na conflict-affected and vulnerable areas (CVAs) sa bansa. Ayon kay DSWD Usec. Alan Tanjusay, aabot sa 222 community-driven peace and development projects ang nakumpleto na sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA).… Continue reading Peace at Development Projects sa mga conflict affected areas, nakumpleto na ng DSWD

Mas maagang aplikasyon ng passport, payo ng DFA sa publiko ngayong holiday season

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs ang publiko na agahan ang kanilang aplikasyon o renewal ng passport ngayong holiday season. Paliwanag ng DFA, ngayong panahon ng kapaskuhan, inaasahan ang mataas na demand sa passport services, kaya para maiwasan ang anumang abala ay agahan na ang pag-renew o pag-apply ng mga passports. Paalala din ng ahensya… Continue reading Mas maagang aplikasyon ng passport, payo ng DFA sa publiko ngayong holiday season

Hakbang kontra fake news, isinagawa ng Muntinlupa LGU

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, sa pamamagitan ng Public Information Office, ng comprehensive communications training para sa mga Truth Advocates ng lungsod, isang grupo ng masigasig na indibidwal na nagsisilbing mapagkakatiwalaang sources ng impormasyon, contact persons sa mga barangay at opisina ng gobyerno, at content creators na committed labanan ang fake news at palaganapin… Continue reading Hakbang kontra fake news, isinagawa ng Muntinlupa LGU

Mahigit P7-M halaga ng mga iligal na droga, nakumpiska ng PNP Bicol mula sa mga operasyon ngayong buwan ng Nobyembre

Umabot sa PHP 7,109,615.26 ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga mula sa ikinasang 112 na operasyon ng PNP Bicol sa iba’t ibang lugar sa rehiyon para sa buwan ng Nobyembre ngayong taon. Ayon sa ulat ng Philippine National Police Bicol, nasa 1,045.25 gramo ng shabu at 11.84 gramo ng marijuana ang nakumpiska ng… Continue reading Mahigit P7-M halaga ng mga iligal na droga, nakumpiska ng PNP Bicol mula sa mga operasyon ngayong buwan ng Nobyembre

Financial portfolio ng Asian Development Bank sa bansa, dodoble sa susunod na mga taon

Nagpulong ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) at Asian Development Bank (ADB) para talakayin ang mas maigting na pag-audit sa mga foreign-assisted projects, public debt audit at reporma sa Public Financial Management (PFM). Bahagi ng agenda sa idinaos na pulong ang PFM Inter-Agency Initiative for Green Lane Fiduciary Arrangements na parte ng international… Continue reading Financial portfolio ng Asian Development Bank sa bansa, dodoble sa susunod na mga taon

Embahada ng Pilipinas sa South Korea, may paalala sa mga pinoy doon

Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang lahat ng mga Pilipino sa bansang Korea na manatiling kalmado sa gitna ng mga mahahalagang kaganapan doon. Matatandaang kagabi ay nagkaroon ng deklarasyon ng Martial Law sa nasabing bansa bagamat ito ay agad din namang pinawalang bisa. Paalala ng embahada sa mga pinoy sa Korea – sumunod… Continue reading Embahada ng Pilipinas sa South Korea, may paalala sa mga pinoy doon

House labor panel chair, nanawagan para sa pagpapabuti ng labor inspection system ng bansa

Umapela si House Labor and Employment Committee chair Fidel Nograles sa pamahalaan na palakasin ang kapabilidad nito sa pagsasagawa ng labor inspection. Kasunod ito ng pagratipika ng Pilipinas sa Labor Inspection Convention No. 81 ng International Labor Organization (ILO). Kailangan aniya tiyakin na hindi lang basta isang piraso ng papel o dokumento ang Labor Inspection… Continue reading House labor panel chair, nanawagan para sa pagpapabuti ng labor inspection system ng bansa

Mambabatas, inalmahan ang pahayag ni VP Durerte na pagwawaldas lang ng pera ang impeachment case laban sa kanya

Binatikos ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre si Vice President Sara Duterte sa pahayag nito na pagwawaldas lang ng pera ang ginagawang impeachment complaint laban sa kanya. Sa isa kasing pahayag sinabi ng Bise Presidente na pagwawaldas lamang ng pera ang impeachment at ginagamit para itago ang pagkukulang ng administrasyon. Sinabi ni Acidre, wala… Continue reading Mambabatas, inalmahan ang pahayag ni VP Durerte na pagwawaldas lang ng pera ang impeachment case laban sa kanya

Panganib na dulot ng Shear Line, huwag ipagsawalang-bahala — OCD

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na huwag ipagsawalang-bahala ang mga banta at panganib na dulot ng Shear Line. Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, dapat makinig ang lahat sa mga babala buhat sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng PAGASA, Mines and Geosciences Bureau, at National Disaster Risk Reduction… Continue reading Panganib na dulot ng Shear Line, huwag ipagsawalang-bahala — OCD