DA, sinimulan na ang bentahan ng P40 kada kilong bigas sa piling palengke

Bukas na ang mga Kadiwa ng Pangulo kiosk na nagbebenta ng P40 kada kilo sa ilang palengke sa Metro Manila. Ito ay sa ilalim ng Rice for All program ng Department of Agriculture. Dito sa Kamuning Market, makikita agad sa bungad ang pwesto ng Kadiwa ng Pangulo at mga nakasalansang nakabalot na bigas na tig-lilimang… Continue reading DA, sinimulan na ang bentahan ng P40 kada kilong bigas sa piling palengke

Malakihang deployment ng mga OFW sa Middle East, pinaghahandaan na ng DMW

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa iba’t ibang bansa sa Gitnang Silangan para sa malakihang deployment ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs). Ito’y ayon sa DMW ay matapos na ipatupad ng ilang bansa gaya ng Qatar ang “No Placement Fee” policy na layong makahikayat ng maraming dayuhang manggagawa sa kanilang bansa. Ayon… Continue reading Malakihang deployment ng mga OFW sa Middle East, pinaghahandaan na ng DMW

Mga opisyal ng BARMM, nakipag pulong kay Speaker Romuadez kaugnay sa pagpapaliban ng halalan sa rehiyon

Nag courtesy call kay Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules ang ilan sa matataas na opisyal ng BARMM. Kabilang sa bumisita sa House leader sina Chief Minister Ahod Ebrahim, Bangsamoro Transition Authority Speaker Pangalian Balindong at Minister Mohagher Iqbal. Napagusapan sa kanilang pulong ang panukala ngayon sa Kamara na House Bill 11034, na layong iurong ang… Continue reading Mga opisyal ng BARMM, nakipag pulong kay Speaker Romuadez kaugnay sa pagpapaliban ng halalan sa rehiyon

Adjusted operating hours ng MRT at LRT para sa Holiday Season, inanunsyo ng DOTr

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang adjusted operating hours ng mga pangunahing mass transit sa Metro Manila partikular na ng LRT at MRT. Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, layon nito na ma-accomodate ang dagsa ng mga pasahero bilang paghahanda sa Pasko at Bagong Taon. Simula December 16 hanggang 24, magsisimula ang unang biyahe… Continue reading Adjusted operating hours ng MRT at LRT para sa Holiday Season, inanunsyo ng DOTr

1 Rockfall Event, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

Nakapagtala ng isang rockfall event ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) batay sa pinakahuling ulat ngayong araw, December 5. Sa kabila nito, nananatili pa rin sa alert level 1 ang bulkan at nagkaroon ng mahinang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan na naaaninag lamang sa telescope. Nakapagtala din ang bulkan ng… Continue reading 1 Rockfall Event, naitala ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

DOH Bicol CHD, idinaos ang World Diabetes Day Symposium sa Legazpi City

Idinaos kahapon, December 4, 2024, ang World Diabetes Day Symposium sa La Roca Veranda Suites, Legazpi City, na dinaluhan ng mga mag-aaral, Barangay Health Workers (BHWs), at mga miyembro ng komunidad mula sa buong rehiyon. Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas malalim na kaalaman at kamalayan tungkol sa diabetes, kabilang ang mga sanhi, sintomas,… Continue reading DOH Bicol CHD, idinaos ang World Diabetes Day Symposium sa Legazpi City

Pagpapalakas ng border security ng bansa, hinihingi ng DOJ

Kinalampag ng Department of Justice (DOJ) ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na palakasin ang border security upang hindi na maulit ang paglabas ng bansa ng mga hinahanap ng batas. Ayon kay Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty ang mga lihim na paglabas ng bansa nina dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at Atty. Harry Roque… Continue reading Pagpapalakas ng border security ng bansa, hinihingi ng DOJ

PAGASA, nagbabala ng malakas na pag-ulan dahil sa Shear Line

Naglabas ng Weather Advisory No. 38 ang PAGASA ngayong umaga, December 5, 2024, kaugnay ng shear line na magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Ngayong araw, inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan (50-100 mm) sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Apayao, at Kalinga. Bukas, magpapatuloy ang ganitong lagay ng panahon… Continue reading PAGASA, nagbabala ng malakas na pag-ulan dahil sa Shear Line

Ilang nagtitinda ng bigas sa Kamuning Market, sinabayan ang ₱40 kada kilong Kadiwa rice ng DA

Nagbebenta na rin ng ₱40 na kada kilong bigas ang ilang rice retailer sa Kamuning Market sa Quezon City. Bukod pa ito sa murang bigas na planong ibenta simula ngayong araw ng DA sa mga napiling palengke gaya ng Kamuning Market sa ilalim ng Rice-for-All program. Sa pwesto ni Mang Javier, nasa bungad agad ang… Continue reading Ilang nagtitinda ng bigas sa Kamuning Market, sinabayan ang ₱40 kada kilong Kadiwa rice ng DA

₱25-M halaga ng mga kagamitang agrikultural, ibinigay ng OPAPRU sa MNLF sa ilalim ng transformation program

Nagkakaisa ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagpapalakas ng kakayanan para sa kapayapaan at kaunlaran. Ito’y makaraang i-turnover ng OPAPRU ang nasa ₱25 milyong halaga ng mga farm equipment sa MNLF sa isang seremonya na isinagawa sa Mindanao State University sa General… Continue reading ₱25-M halaga ng mga kagamitang agrikultural, ibinigay ng OPAPRU sa MNLF sa ilalim ng transformation program