Gross International Reserves ng Pilipinas nasa mahigit $100-B as of November 2024

Naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang gross international reserves (GIR) sa US$108.5 bilyon sa buwan ng Nobyembre 2024. Mas mababa ito kumpara sa US$111.1 bilyon noong Oktubre 2024. Ang kasalukuyang antas ng GIR ay sapat na panlabas na liquidity na katumbas ng 7.8 buwang halaga ng pag-aangkat ng mga produkto at pagbabayad para sa… Continue reading Gross International Reserves ng Pilipinas nasa mahigit $100-B as of November 2024

Higit P32-B pondo, inilaan ng SSS para sa 13th month at pension ng kanilang pensioners

Social Security System office at the one-stop center in Ali Mall, Cubao.

Aabot sa P32.19-B ang nailabas na pondo ng Social Security System (SSS) para sa 13th month at December pension ng kanilang 3.6 milyong pensioners. Ayon kay SSS Officer-in-Charge Voltaire P. Agas, inagahan nila ang paglalabas ng 13th month at December pensions bilang maagang pamaskosa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners. “We are also aware of… Continue reading Higit P32-B pondo, inilaan ng SSS para sa 13th month at pension ng kanilang pensioners

Pagsasabatas ng amyenda sa Agricultural Tariffication Act, patunay ng commitment ng pamahalaan na walang Pilipino ang magugutom

Itinuturing ni Speaker Martin Romualdez bilang ‘landmark legislation’ ang bagong lagdang amyenda sa Agricultural Tariffication Act. Ayon sa House Leader, pinapalakas nito ang kapasidad ng pamahalaan na masiguro ang matatag na presyo ng bigas, tulungan ang mga lokal na magsasaka at tiyakin ang sapat na suplay ng pagkain. Pinuri din ni Speaker Romualdez ang Pangulong… Continue reading Pagsasabatas ng amyenda sa Agricultural Tariffication Act, patunay ng commitment ng pamahalaan na walang Pilipino ang magugutom

DBP, PhilHealth at Tingog Party-list, pagtutulungan tugunan ang kakulangan sa serbisyong medikal sa mga rural area

Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Tingog Party-list kasama ang Philhealth at Development Bank of the Philippines para tugunan ang kakulangan sa healthcare infrastructure sa pamamagitan ng Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program. Ayon kay Tingog party-list Rep. Jude Acidre, bibigyan ng financial mechanism ang mga lokal na pamahalaan para mapondohan ang pagpapatayo… Continue reading DBP, PhilHealth at Tingog Party-list, pagtutulungan tugunan ang kakulangan sa serbisyong medikal sa mga rural area

Ilang katutubong Sama Bajaus na narescue sa lansangan, tinulungan ng DSWD na makauwi

Ligtas na naiuwi ng mga social worker ng Department of Social Welfare and Development ang ilan sa mga katutubong Sama Bajaus na nareach out ng Pag-abot Team ngayong buwan. Bahagi ito ng tulong ng DSWD sa ilalim ng Oplan Pag-abot na layong alalayan ang mga bata, pamilya at indibidwal na naninirahan sa kalye. Ayon sa… Continue reading Ilang katutubong Sama Bajaus na narescue sa lansangan, tinulungan ng DSWD na makauwi

DOJ, hayaan na magdesisyon kung may pananagutan si VP Sara sa pagbabanta sa buhay ni PBBM — solon

Ipinauubaya na ng ilan sa House leaders sa Department of Justice (DOJ) ang pagdedesisyon kung mayroong pananagutang kriminal si Vice President Sara Duterte kaugnay sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez. Ito ay kahit pa isa ang naturang insidente sa mga nakapaloob… Continue reading DOJ, hayaan na magdesisyon kung may pananagutan si VP Sara sa pagbabanta sa buhay ni PBBM — solon

Reporma sa pamamahala at paggamit ng Confidential Funds, pinaplantsa na ng House Blue Ribbon Committee

Inilalatag na ngayon ng House Blue Ribbon Committee ang mga panukalang batas na isusulong matapos ang pitong pagdinig ukol sa isyu ng maling paggamit ng Confidential Funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Manila Representative Joel Chua, chair… Continue reading Reporma sa pamamahala at paggamit ng Confidential Funds, pinaplantsa na ng House Blue Ribbon Committee

Malakas na pag-ulan dulot ng Shear Line at ITCZ, inaasahan sa ilang lalawigan

Nagbigay ng babala ang PAGASA ukol sa inaasahang malakas na pag-ulan na dulot ng Intertropical Convergence Zone at Shear Line. Ngayong araw, makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan (50-100 mm) ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Marinduque, Oriental Mindoro, Palawan, Northern Samar, Eastern Samar, at Dinagat… Continue reading Malakas na pag-ulan dulot ng Shear Line at ITCZ, inaasahan sa ilang lalawigan

AFP Joint Task Force NCR, nangako ng pakikipagtulungan sa NCRPO sa pagpapaigting ng seguridad sa Metro Manila

Tiniyak ng Joint Task Force – National Capital Region (JTF-NCR) ng Armed Forces of the Philippines ang committment nito na maging katuwang ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ito’y sa pagpapaigting ng seguridad sa buong Kamaynilaan sa gitna ng mga inaasahang hamong pangseguridad sa hinaharap. Ginawa ni JTF-NCR Commander, Brig. Gen. Eric Maambac ang… Continue reading AFP Joint Task Force NCR, nangako ng pakikipagtulungan sa NCRPO sa pagpapaigting ng seguridad sa Metro Manila

DA, naglaan ng higit ₱80-M pondo para mapalakas ang produksyon ng palay sa Iloilo

Inaprubahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang dagdag na ₱82.5-million na alokasyon para sa pagpapalakas ng produksiyon ng palay sa lalawigan ng Iloilo. Ayon sa kalihim, bahagi pa rin ito ng hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga magsasaka na lumaki ang kanilang ani at kita at maitaguyod ang food security sa bansa.… Continue reading DA, naglaan ng higit ₱80-M pondo para mapalakas ang produksyon ng palay sa Iloilo