LGU La Castellana, may apela sa mga bibibili ng mga alagang hayop ng mga residente na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon

Umapela ang lokal na pamahalaan ng La Castellana na huwag samantalahin ang mga hog raisers na kasalukuyang apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkan Kanlaon. Ayon sa LGU, inilipat na ang mga alagang hayop sa mga livestock shelter para sa kanilang kaligtasan kasunod ng isinagawang mass evacuation ngunit may mga residenteng napipilitang ibenta ang kanilang… Continue reading LGU La Castellana, may apela sa mga bibibili ng mga alagang hayop ng mga residente na apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon

Kamara, binigyang katwiran ang budget cut sa DepEd

Pinanindigan ng Kamara ang desisyon ng Kongreso na bawasan ng P10 billion ang pondo ng Department of Education (DepEd) sa 2025 para sa computerization bunsod ng alegasyon ng maling pamamahala ng pondo. Sinagot ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, ang ilan sa kritisismo sa naturang hakbang. Giit niya, hindi ito panggigipit ng pondo sa edukasyon, bagkus… Continue reading Kamara, binigyang katwiran ang budget cut sa DepEd

South Korean President Yoon Suk Yeol, lalaban pa rin kontra sa impeachment na isinulong ng oposisyon sa parlyamento

Nangako nitong Sabado si South Korean President Yoon Suk Yeol na lalaban para sa kanyang political future matapos ma-impeach sa ikalawang pagboto ng opposition-led parliament bunsod ng kanyang pagdeklara ng panandaliang martial law sa kanilang bansa. Iginiit ni South Korea President Yoon na hindi dapat tumigil ang kanyang political journey na kanyang nasimulan mahigit dalawang… Continue reading South Korean President Yoon Suk Yeol, lalaban pa rin kontra sa impeachment na isinulong ng oposisyon sa parlyamento

PHIVOLCS, pinaghahanda ang LGUs at komunidad sa paligid ng Mt. Kanlaon sa panahon ng tag-ulan

Pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga lokal na pamahalaan at komunidad malapit sa bulkang Kanlaon na i-monitor ang lagay ng panahon sa Negros Island. Inaasahan sa susunod na linggo ang posibleng pagpasok ng potential Low Pressure Area sa bansa na magdadala ng mga pag-ulan. Kailangan maging handa ang mga LGU… Continue reading PHIVOLCS, pinaghahanda ang LGUs at komunidad sa paligid ng Mt. Kanlaon sa panahon ng tag-ulan

Suplay ng pagkain sa pamilihan sa panahon ng kapaskuhan, tiniyak ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain sa mga pamilihan sa buong Metro Manila sa panahon ng Kapaskuhan. Kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at Local Officials, nagsagawa ng inspekyon si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr sa Pasay City Public Market. Tiningnan nito ang suplay… Continue reading Suplay ng pagkain sa pamilihan sa panahon ng kapaskuhan, tiniyak ng DA

DSWD, nagtayo ng temporary livestock area para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Mt Kanlaon

Nagtalaga na rin ng lugar ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Negros para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon . Ayon sa DSWD-Western Visayas, matatagpuan ang designated livestock area sa open space ng La Castellana Elementary School sa La Castellana, Negros Occidental. Dito, maaaring dalhin ng… Continue reading DSWD, nagtayo ng temporary livestock area para sa mga inilikas na hayop na apektado ng pagputok ng Mt Kanlaon

110K biyahero, inaasahan ng BI ngayong holiday season

Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mahigit 110,000 biyahero ngayong holiday season. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, posibleng malampasan ng mga bilang ngayong taon ang mga pre-pandemic figures, kung saan noong 2019 ay umabot sa average na 55,000 arrivals at 47,000 departures kada araw ang naitala sa buwan ng Disyembre.… Continue reading 110K biyahero, inaasahan ng BI ngayong holiday season

QCPD, tiniyak sa publiko ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon

Hiniling ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko ang kooperasyon sa panahon ng holiday season. Pakiusap ni QCPD Acting Director P/Col Melecio Buslig Jr., na maging alerto ang komunidad at agad i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang nalalaman. Sa pagsisimula ng tradisyunal na simbang gabi sa Disyembre 16, may mga paghahanda… Continue reading QCPD, tiniyak sa publiko ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon

Bilang ng mga inilikas na residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, nadagdagan pa— DSWD

Lumobo pa ang mga pamilyang inilikas mula sa paligid ng Bulkang Kanlaon habang nagpapakita pa ito ng aktibong aktibidad. Hanggang alas dose ng tanghali kahapon, umabot na sa 5,494 pamilya o 18,612 na indibidwal ang apektado ng pagputok ng bulkan. Ayon sa datos ng DSWD-Disaster Response Operation, Monitoring and Information Center, 3,655 pamilya sa kabuuang… Continue reading Bilang ng mga inilikas na residente sa paligid ng Bulkang Kanlaon, nadagdagan pa— DSWD

Manila LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa ipinamahaging frozen mackerel ni Pangulong Marcos Jr. sa mga residente ng Baseco

Nagpaabot ng pasasalamat ang Manila LGU sa pamumuno ni Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ipamahagi ang libo-libong kilo ng frozen mackerel mula sa nakumpiskang smuggled shipment para sa mga residente ng Baseco, Tondo, Maynila. Ipinahayag ni Mayor Lacuna na naging madali ang distribusyon dahil sa mahusay na social welfare system… Continue reading Manila LGU, nagpaabot ng pasasalamat sa ipinamahaging frozen mackerel ni Pangulong Marcos Jr. sa mga residente ng Baseco