Mga Sundalong nag-alay ng sarili para sa bayan, inalala ng Defense Department ngayong Pasko

Binigyang pugay ng Department of National Defense (DND) ang mga Sundalong piniling tuparin ang kanilang mandato para sa bayan, matiyak lamang na ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko. Ito ang tinuran ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr sa kaniyang mansahe ngayong Pasko. Aniya, ngayong ipinagdiriwang ang pagsilang kay Kristo na simbolo ng pag-asa, dapat… Continue reading Mga Sundalong nag-alay ng sarili para sa bayan, inalala ng Defense Department ngayong Pasko

Walang Gutom Kitchen ng DSWD, bukas ngayong holiday season

Mananatiling bukas ngayong holiday season ang Walang Gutom Kitchen ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng libreng pagkain ngayong kapaskuhan. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, magpapatuloy ang operasyon ng Walang Gutom Kitchen ngayong bisperas ng pasko, Dec. 24 at sa Dec. 30 at 31 na parehong holiday. Regular… Continue reading Walang Gutom Kitchen ng DSWD, bukas ngayong holiday season

Mas matibay na proteksyon para sa mga Pinoy seafarer, binigyang diin ni Sen. Sherwin Gatchalian

Ngayong papauwi ang mga Pilipinong seafarer para sa Kapaskuhan, binigyang-diin ni Senador Sherwin Gatchalian ang kahalagahan ng Magna Carta for Filipino Seafarers para mabigyan sila ng mas malakas na proteksyon at mas ligtas na mga kondisyon. Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act 12021 nitong September 2024. Ayon kay Gatchalian, ang nalalapit… Continue reading Mas matibay na proteksyon para sa mga Pinoy seafarer, binigyang diin ni Sen. Sherwin Gatchalian

Pangmatagalang solusyon sa Andaya Highway, panawagan ng Cam Sur solon

Umapela si Camarines Sur Representative LRay Villfuerte sa Department of Social Welfare and Development (DPWH) na ayusin na ang disenyo ng Andaya Highway. Ito’y kasunod ng 17 kilometrong traffic gridlock na nangyari,dahil sa kinailangan ayusin ang bahagi ng highway na nasira bunsod ng magkakasunod na pag-ulan na tumama sa probinsya. Aniya, kailangan na ng pangmatagalang… Continue reading Pangmatagalang solusyon sa Andaya Highway, panawagan ng Cam Sur solon

PNP, nagpaalala sa publiko na huwag magpost ng “real time” sa social media

Umapila ang Philippine National Police (PNP) sa publiko lalo na sa mga bakasyunista na huwag magpost sa social media ng “real time” situation. Ito ang paalala ng PNP kasunod na rin ng inaasahang dagsa ng mga uuwi sa mga lalawigan para doon magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief,… Continue reading PNP, nagpaalala sa publiko na huwag magpost ng “real time” sa social media

Higit 800 indibidwal, apektado ng bagyong Querubin – DSWD

Nakapagtala na ang DSWD ng inisyal na 177 pamilya o 832 indibidwal na apektado ng Bagyong Querubin. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Northern Mindanao at Davao region. Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Dec. 24, mayroong apat na pamilya o katumbas ng… Continue reading Higit 800 indibidwal, apektado ng bagyong Querubin – DSWD

Mandatory Evacuation, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon kasunod ng tumataas na banta ng bulkan

Ngayong bisperas ng Pasko, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon ang pagkakasa ng mandatory evacuation para sa lahat ng mga residenteng nakatira sa 6 kilometer extended danger zone sa bulkang Kanlaon. Ito ang inihayag ni Task Force Kanlaon Chairman Raul Fernandez nang pangunahan nito ang Regional Inter-Agency Coordinating Cell bunsod ng tumataas na volcanic activity sa… Continue reading Mandatory Evacuation, ipinanawagan ng Task Force Kanlaon kasunod ng tumataas na banta ng bulkan

PNP, pinaalalahanan ang mga magulang na gabayang maigi ang mga anak lalo na sa paggamit ng paputok

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang na gabayang maigi ang kanilang mga anak mula sa paggamit ng mga paputok at pailaw sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon. Ang paalala ay ginawa ng PNP kasunod na rin ng babala ng Department of Health (DoH) hinggil sa peligrong dulot ng mga iligal na… Continue reading PNP, pinaalalahanan ang mga magulang na gabayang maigi ang mga anak lalo na sa paggamit ng paputok

2025 National Budget, nakatakdang lagdaan ni PBBM sa Dec. 30, Rizal Day

May timeline nang ibinigay ang Malacañang para sa gagawing paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Pambansang Pondo para sa susunod na taon. Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na lalagdaan ng Chief Executive ang ₱6.352-trillion budget sa 2025 sa darating na December 30. Ayon kay Chavez, dadalo lang muna… Continue reading 2025 National Budget, nakatakdang lagdaan ni PBBM sa Dec. 30, Rizal Day

Malabon LGU, nanawagan sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ngayong holiday season

Sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, hinikayat ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga opisyal ng 21 barangay na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod. Ayon sa alkalde, nais nitong makita ngayong taon na kahit nagdiwang at nagkasiyahan ay mapapanatili pa rin ang kalinisan sa lungsod. Nakahanda aniya ang mga kawani… Continue reading Malabon LGU, nanawagan sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod ngayong holiday season