Mga namasyal at namili sa bazaar sa Marikina River Banks, dumami ngayong araw

Dahil sa mas maaliwalas ang panahon ngayong araw mas marami na ang namasyal at namimili sa bazaar sa River Banks Center sa Marikina City. Tampok dito ang bazaar kung saan makakabili ka ng mga damit, laruan, at sapatos. Para sa mga hahabol pa sa holiday shopping. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakapanayam ang ilang mga… Continue reading Mga namasyal at namili sa bazaar sa Marikina River Banks, dumami ngayong araw

Mahigit 100 social media accounts na nagbebenta ng iligal na paputok, tinanggal ng PNP-ACG

Ipinatanggal ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang 115 social media accounts na nagbebenta ng iligal na paputok online. Batay sa datos ng PNP-ACG, kabilang sa mga tinanggal ang 59 na Facebook accounts, 54 na X o dating Twitter accounts, isang website, at isang Spotify account. Ayon kay PNP-ACG Acting Chief Brigadier General Bernard… Continue reading Mahigit 100 social media accounts na nagbebenta ng iligal na paputok, tinanggal ng PNP-ACG

Brand labels sa imported na bigas, balak tanggalin ng DA para labanan ang manipulasyon sa presyo

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na plano nilang alisin ang mga brand label sa imported na bigas para labanan ang pagmamanipula sa presyo. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. napansin ng DA sa kanilang mga pagbisita sa mga palengke na sadyang ginagamit ang mga brand label para lituhin ang mga mamimili at… Continue reading Brand labels sa imported na bigas, balak tanggalin ng DA para labanan ang manipulasyon sa presyo

Mga Pulis na umalalay sa pagsasaayos ng trapiko sa Andaya Highway, pinapurihan ng PNP Chief

Pinapurihan ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito sa Police Regional Office 5 (Bicol) sa pag-alalay nito sa mga motoristang nabalam ang biyahe dahil sa pagkasira ng bahagi ng Andaya Highway sa Camarines Sur. Ayon kay PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, hindi matatawaran ang ginawang pagsasakripisyo ng kanilang mga tauhan na… Continue reading Mga Pulis na umalalay sa pagsasaayos ng trapiko sa Andaya Highway, pinapurihan ng PNP Chief

Manila solon, nanawagan sa DOH na agapan ang pagkalat ng TB sa Tondo

Umaasa si Manila Representative Rolando Valeriano na mabilis matutugunan ng Department of Health (DOH), partikular ng Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short-course (TB DOTS) program ang naitalang pagtaas sa kaso ng tuberculosis sa Tondo. Ani Valeriano, posibleng kumalat o magkahawaan ng sakit sa mga evacuation center dahil sa sunod-sunod na mga sunog at pagabaha sa kanilang… Continue reading Manila solon, nanawagan sa DOH na agapan ang pagkalat ng TB sa Tondo

Department of Social Welfare and Development Caraga, tiniyak ang sapat na Suplay ng Family Food Packs sa Rehiyon

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Caraga na napalitan ang mga kinuhang Family Food Packs o FFPs mula sa mga estratehikong bodega sa rehiyong Caraga na ipinadala sa bodega sa Bacolod City. Binigyang-diin ng DSWD Caraga na mananatili ang kahandaan at sapat na suplay ng mga FFPs sa lahat ng mga… Continue reading Department of Social Welfare and Development Caraga, tiniyak ang sapat na Suplay ng Family Food Packs sa Rehiyon

PCG, nakaalalay rin sa mga lugar na apektado ng shear line sa kabila ng pagiging abala sa mga pantalan ngayong holiday season

Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakaalalay pa rin ang kanilang hanay sa mga lokal na pamahalaan, sa gitna ng mga pag-ulan at pagbaha na dala ng shearline. “Maliban sa ating mga tauhan na naka-deploy sa mga pantalan, mayroon din po tayong nakaantabay na mga deployable response group.” -Ricafrente Pahayag ito ni Coast Guard… Continue reading PCG, nakaalalay rin sa mga lugar na apektado ng shear line sa kabila ng pagiging abala sa mga pantalan ngayong holiday season

Mga Halal Lead Auditor sa Zamboanga Peninsula, binati ng DOST Region-9

Binati ng Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9) ang tatlo nitong mga empleyado dahil sa matagumpay na pagkamit ng mga kinakailangang kakayahan bilang mga certified Halal lead auditors sa Zamboanga Peninsula. Ang tatlong Halal auditor ay kinabibilangan nina Provincial Director Nuhman Aljani, Gng. Jeyzel Aparri-Paquit, at Engr. Herma Joyce Alburo. Ang certification training… Continue reading Mga Halal Lead Auditor sa Zamboanga Peninsula, binati ng DOST Region-9

DPWH Regional Office-9, naghatid ng biyaya at kagalakan sa mga kabataang nasa pangangalaga ng DSWD sa Zamboanga City

Higit sa 40 mga kabataan ang nabigyan ng kagalakan ng Department of Public Works and Highways Regional Office-9 (DPWH-9) sa selebrasyon ng Pasko. Ang inisyatiba ay pinangunahan nina DPWH-9 Regional Director Cayamombao Dia at Assistant Regional Director Soray’yah Ibrahim. Habang ang distribusyon ng mga regalo sa Pasko ay pinangasiwaan ng Right-of-Way Acquisition and Legal Division… Continue reading DPWH Regional Office-9, naghatid ng biyaya at kagalakan sa mga kabataang nasa pangangalaga ng DSWD sa Zamboanga City

San Antonio Irrigation Project sa Camarines Norte, malaking tulong sa mga magsasaka

Sa Capalonga, Camarines Norte, ang San Antonio Communal Irrigation Project ay nagsisilbi sa may 18 ektaryang sakahan nang walang diversion dam, na tumatawid sa ilog—kakaiba sa karamihan ng pasilidad ng National Irrigation Administration (NIA). Sa halip, nakadepende ito sa estratehikong taas ng intake structure upang epektibong maipadaloy ang tubig mula sa San Antonio River papunta… Continue reading San Antonio Irrigation Project sa Camarines Norte, malaking tulong sa mga magsasaka