Pag-veto ni PBBM sa ilang probisyon ng 2025 Budget, denepensahan ng DBM

Ipinagtanggol ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang ginawang pag-veto ni Pang. Bongbong Marcos Jr. sa ilang probisyon ng 2025 General Appropriations Act. Ayon sa Kalihim, naharap sa ilang mga hamon ang GAA para sa taong 2025 sa kalagitnaan ng pagpasa nito dahil sa ilang pagbabago sa Bicameral Committee, kabilang na ang kapansin-pansing pagtaas sa Unprogrammed… Continue reading Pag-veto ni PBBM sa ilang probisyon ng 2025 Budget, denepensahan ng DBM

Insidente ng sunog sa bansa ngayong 2024, mas mataas kumpara noong nakaraang taon -BFP

Tumaas ang bilang ng insidente ng sunog ngayong taon kumpara noong 2023, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Sa tala ng BFP, mula enero hanggang nitong Dec. 30, aabot sa 18,217 ang kabuuang bilang ng sunog sa buong bansa ngayong 2024. Mas mataas ito ng 11.2% kung ikukumpara sa higit 16,000 sunog na naiulat… Continue reading Insidente ng sunog sa bansa ngayong 2024, mas mataas kumpara noong nakaraang taon -BFP

Mga nagtitinda ng prutas sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, umaasang bubuti ang panahon upang gumanda ang benta ngayong dalawang araw bago ang 2025

Nagsimula nang maglatag ng kanilang mga paninda ang mga nagbebenta ng prutas sa bahagi ng New Panaderos partikular na sa Kalentong Market sa Mandaluyong City dalawang araw bago ang 2025. Sa katunayan, sinakop na ng mga nagtitinda ng iba’t ibang pagkain at kagamitan para sa pagsalubong sa Bagong Taon ang bike lane na pinayagan naman… Continue reading Mga nagtitinda ng prutas sa Kalentong Market sa Mandaluyong City, umaasang bubuti ang panahon upang gumanda ang benta ngayong dalawang araw bago ang 2025

Mga maitatalang kaso ng indiscriminate firing, mahigpit na binabantayan ng PNP

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na wala nang maitatalang kaso ng indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon. Pero sa kabila nito, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo na mahigpit pa rin silang nakabantay lalo’t pinaigting pa nila ang ginagawang mga hakbang upang tiyaking ligtas at mayapaya ang pagsalubong sa… Continue reading Mga maitatalang kaso ng indiscriminate firing, mahigpit na binabantayan ng PNP

OFW party-list, hiniling sa DFA na mabigyan ng angkop na tulong legal ang Filipino household service worker sa Kuwait na sinasabing nakapatay sa anak ng kaniyang amo

Labis na ikinalungkot at ikinabahala ni OFW party-list Rep. Marisaa Magsino ang pagkakasangkot ng isa nating kababayan na household service worker sa Kuwait sa pagkasawi ng anak ng kaniyang amo. Hiling ni Magsino sa Department of Foreign Affairs at sa Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na tiyaking mabigyan ng tamang tulong ang ating kababayan, magkaroon… Continue reading OFW party-list, hiniling sa DFA na mabigyan ng angkop na tulong legal ang Filipino household service worker sa Kuwait na sinasabing nakapatay sa anak ng kaniyang amo

QC LGU, nanawagan sa mga magulang na ilayo sa paputok ang mga anak

Muling nagpaalala ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Division sa publiko lalo sa mha magulang na bantayang maigi ang mga anak at ilayo sila sa panganib na dulot ng paputok. Kasunod ito ng tumataas na kaso ng mga biktima ng paputok na karamihan ay mga bata. Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health, 81%… Continue reading QC LGU, nanawagan sa mga magulang na ilayo sa paputok ang mga anak

Sektor ng Edukasyon, nananatiling may pinakamalaking alokasyon ng budget sa 2025 ayon sa Bicameral Conference Committee

Pinasinungalungan ng Bicameral Conference Committee ang mga naglabasang maling impormasyon kaugnay sa nilalaman ng 2025 General Appropriations Act. Ayon sa Bicam, nananatiling ang sektor ng edukasyon ang may pinakamalaking alokasyon ng pondo ng pamahalaan para sa susunod na taon. Nilinaw din nito na sinunod nila ang probisyon ng Konstitusyon kung saan dapat prayoridad sa may… Continue reading Sektor ng Edukasyon, nananatiling may pinakamalaking alokasyon ng budget sa 2025 ayon sa Bicameral Conference Committee

Kamara, nakapagtalaga ng mataas na legislative output ngayong 19th Congress

Ipinagmalaki ng House of Representatives ang record-breaking legislative productivity nito ngayong 19th Congress sa ilalim ng liderato ni Speaker Martin Romualdez. Mula July 25, 2022 hanggang December 27, 2024, nakapaghain ang Kamara ng 13,454 na mga panukala at resolusyon Nasa 1,368 dito ang naaprubahan at 166 naman ang naging ganap na batas. Sa loob ng… Continue reading Kamara, nakapagtalaga ng mataas na legislative output ngayong 19th Congress

Bentahan ng mga bilog na prutas sa Elliptical Road, QC, maagang matumal dahil sa maulang panahon

Umaasa ang ilang nagtitinda ng prutas sa kahabaan ng Elliptical Road, sa Quezon City na bumuti na ang panahon para gumanda ang kanilang kita. Kumpara kahapon ay mas matumal raw kasi ang bentahan nila ngayon ng prutas dahil sa maulang panahon kanina pang umaga. Ang iba ngang nagtitinda, hindi na raw magtataas ng benta para… Continue reading Bentahan ng mga bilog na prutas sa Elliptical Road, QC, maagang matumal dahil sa maulang panahon

Pagtatanggol sa soberanya ng bansa, dapat alalahanin ng mga Pilipino ngayong Rizal Day — DND

Dapat alalahanin ng mga Pilipino ang mga sakripisyong ginawa ni Gat. Jose Rizal sa pagtataguyod ng pagmamahal at pagtatanggol sa soberanya ng bansa. Ito ang mensahe ng Department of National Defense (DND) kasabay ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa ika-128 Rizal Day ngayong araw. Ayon sa kagawaran, tularan nawa ng bawat Pilipino ang ipinakitang tapang,… Continue reading Pagtatanggol sa soberanya ng bansa, dapat alalahanin ng mga Pilipino ngayong Rizal Day — DND