Pagpapatibay sa Magna Carta of Migrant Workers, muling inihirit ng Kabayan Party-list solon

Muling binigyang-diin ni Kabayan Party-list Representative Ron Salo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Magna Carta of Migrant Workers, kasunod ng pagkakasangkot ng isang OFW sa pagkasawi ng alagang bata sa Kuwait. Aniya nakakalungkot ang insidente at nakikidalamhati siya sa naulilang Kuwaiti family. Umaasa rin ang kinatawan na hindi ito makaka-apekto sa migration policy ng Pilipinas… Continue reading Pagpapatibay sa Magna Carta of Migrant Workers, muling inihirit ng Kabayan Party-list solon

Panukala na gawing ganap na Departamento ang NEDA, pasado na sa ikalawang pag basa sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala para gawing Department of Economy, Planning, and Development ang kasalukuyang National Economic and Development Authority (NEDA). Sa pagdepensa sa panukala iginiit ni House committee on government reorganization chair jonathan keith flores na hindi lang ito basta lehislasyon, ngunit tugon sa nagbabago at mas nagiging komplikadong pamamahala… Continue reading Panukala na gawing ganap na Departamento ang NEDA, pasado na sa ikalawang pag basa sa Kamara

Pagpapalakas sa digital workforce ng Pilipinas, target ng DICT sa 2025

Palalakasin pa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kapasidad ng mga Pilipino sa digital competencies sa pakikipagtulungan sa Google Asia Pacific Pte. Ltd. at Coursera. Sa 2025, target ng DICT na palawakin pa ang Google Career Certificate Program (GCCP) na naglalayong turuan ang mga Pilipino ng mahahalagang ICT skills tulad ng cybersecurity,… Continue reading Pagpapalakas sa digital workforce ng Pilipinas, target ng DICT sa 2025

Sikat na tindahan ng kakanin sa Malabon, pinipilahan na ngayong bisperas ng Bagong Taon

Bandang alas-8 palang ng umaga, mahaba na ang pila sa kilalang tindahan ng kakanin sa Malabon na Dolor’s Kakanin. Kilala ang naturang tindahan dahil sa bilao ng makulay na mga kakanin kasama ang sapin-sapin, kalamay ube, kalamay mais, kalamay kutsinta, cassava, at biko. Ayon kay Tatay Narciso, nakasanayan na nila ang ganito kahabang pila sa… Continue reading Sikat na tindahan ng kakanin sa Malabon, pinipilahan na ngayong bisperas ng Bagong Taon

Bentahan ng prutas sa Pasig Mega Market, inaasahang gaganda pa bago magtanghali

Dagsa na ang mga namimili ng prutas sa Pasig City Mega Market ilang oras na lamang bago tuluyang pumasok ang 2025. Pero sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, maging ang mga nagtitinda ng gulay ay mayroon na ring itinitindang prutas, dahilan upang magkaroon pa ng kumpetisyon sa mga may puwesto na sa prutasan dito. Idagdag na… Continue reading Bentahan ng prutas sa Pasig Mega Market, inaasahang gaganda pa bago magtanghali

Bilang ng mga nasabat na iligal na paputok ng PNP sa buong bansa, pumalo na sa kalahating milyon

Tinatayang aabot sa ₱2.4 milyong halaga ng mga iligal na paputok ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga ikinasang operasyon buhat nang pumasok ang buwan ng Disyembre. Binubuo ito ng nasa 500,000 o kalahating milyong piraso ng paputok na kanilang nakumpiska. Batay naman sa datos ng PNP, aabot sa 19 na indibiduwal… Continue reading Bilang ng mga nasabat na iligal na paputok ng PNP sa buong bansa, pumalo na sa kalahating milyon

Mga mamimili, dagsa na sa bentahan ng prutas sa Litex Market ngayong bisperas ng Bagong Taon

Maagang dagsa na ang mga mamimili sa Litex Market para mamili ng mga bilog na prutas na pinaniniwalaang may bitbit na swerte ngayong pagsalubong ng 2025. Kabilang dito si Nanay Merilyn na kinukumpleto raw talaga ang 13 iba’t ibang klase ng bilog na prutas para mas maging bwenas ang pasok ng Bagong Taon. Aniya, kahit… Continue reading Mga mamimili, dagsa na sa bentahan ng prutas sa Litex Market ngayong bisperas ng Bagong Taon

Quezon Memorial Circle, ininspeksyon bilang paghahanda sa New Year’s Eve celebration sa lungsod

Ininspeksyon ng QC law and order cluster ang Quezon Memorial Circle bilang paghahanda sa gaganaping New Year’s Eve Celebration mamaya. Ito ay upang masiguro na magiging payapa at ligtas ang bawat QCitizen na makikisaya sa gaganaping selebrasyon. Kasama sa nag-inspeksyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of… Continue reading Quezon Memorial Circle, ininspeksyon bilang paghahanda sa New Year’s Eve celebration sa lungsod

Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa QC, nadagdagan pa

Dalawang kaso ng fireworks-related Injuries ang nadagdag sa Quezon City. Batay sa tala ng QC Epidemiology and Surveillancw Division, kabilang sa nadagdag na biktima ang isang 8-taong gulang na batang lalaki at isang 61-taong gulang na babae. Sa kabuuan, 10 na o katumbas ng 67% sa mga naputukan ay mga bata na 17-taong gulang pababa.… Continue reading Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa QC, nadagdagan pa

35,000 Pulis, ipinakalat para tiyakin ang seguridad ngayong Bagong Taon

Mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa para tiyakin ang seguridad ng publiko sa pagpapalit ng taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, aabot sa 35,000 Pulis ang nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar katuwang ang force multipliers buhat sa iba pang ahensya ng Pamahalaan. Gayunman,… Continue reading 35,000 Pulis, ipinakalat para tiyakin ang seguridad ngayong Bagong Taon