Mananatiling iikot pa rin sa sirkulasyon ang mga perang papel na may larawan ng ating mga pambansang bayani, ito pagbibigay-diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa huling pahayag nito.
Ito ay kasabay ng pagpapalabas ng bagong “First Philippine Polymer Banknote Series” na nagpapakita naman ng likas na yaman at biodiversity ng bansa.
Binigyang-diin ng BSP na ang kanilang mga banknote at coin design ay laging nagtatampok ng mga simbolo ng pagmamalaki bilang Pilipino—mula sa ating mga bayani hanggang sa mga natural wonders ng Pilipinas. Layunin umano nitong itaguyod ang numismatic dynamism, artistry, at pasiglahin ang pagpapahalaga sa ating pambansang pagkakakilanlan.
Sa kabila ng pagbabago ng materyales at disenyo, tiniyak ng BSP na ang kasaysayan at mga personalidad na sumisimbolo sa ating kalayaan ay hindi mawawala sa ating salapi.| ulat ni EJ Lazaro