Pinatunayan ng Bureau of Corrections na ang Pasko ay oras para sa pamilya.
Ito kasi ang naging aktibidad ng BuCor nitong araw ng Pasko kung saan binigyang pagkakataon ng pamunuan nito ang mga PDLs na madalaw ng kanilang mga pamilya.
Ito anila ay patunay ng pangako ng nasabing opisina na pagkalinga sa samahan ng isang pamilya kahit pa nasa loob ng correctional facility.
Ayon pa sa BuCor, na ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng mas malalim na pag unawa ng ahensya sa kahalagahan ng pamilya sa proseso ng rehabilitasyon ng isang PDLs.
Dagdag pa ni BuCor DG Gregorio Pio Catapang Jr. na karapatdapat bigyan ng pagkakataon ang mga PDLs na magkaroon ng makabuluhang pagkikita sa kanilang mga mahal sa buhay. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷 BuCor