Muli na namang nagbuga ng abo ang bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Sa monitoring ng PHIVOLCS, 13 beses itong nagbuga ng abo sa nakalipas na 24 oras, at tumagal ang aktibidad mula 2 minuto hanggang 1 oras at 18 minuto.
Bukod dito, nagkaroon din ng 7 volcanic earthquakes o mga pagyanig sa bulkan.
Bumaba naman sa 3,999 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Ayon pa sa PHIVOLCS, patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa