Inflation rate ng bansa nitong Nobyembre, nananatiling ‘on-target’ — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling pasok sa target ang naitalang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong Nobyembre.

Ito ang binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 2.5% na headline inflation sa nabanggit na buwan.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, ang mga hakbang ng pamahalaan gaya ng pagpapababa sa presyo ng bigas ang naging susi upang maagapan ang lalong pagbilis ng inflation rate.

Kaya naman patuloy ang kanilang pangako na patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo upang protektahan ang mga Pilipino mula sa hindi inaasahang pagsipa nito.

Dagdag pa ng Kalihim, naging hamon sa presyo at suplay ng pagkain ang sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa.

Pero sinabi ni Balisacan na inaasahan namang gaganda ang takbo ng inflation ngayong buwan lalo’t inilunsad na ang Rice-for-All program na nag-aalok ng murang bigas sa publiko.

Habang gumaganda na rin ang sitwasyon sa livestock lalo’t pinalawak pa ang sakop ng bakunahan sa mga baboy kontra African Swine Fever (ASF). | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us