Lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala para gawing Department of Economy, Planning, and Development ang kasalukuyang National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa pagdepensa sa panukala iginiit ni House committee on government reorganization chair jonathan keith flores na hindi lang ito basta lehislasyon, ngunit tugon sa nagbabago at mas nagiging komplikadong pamamahala at lumalawak pa pangangailangan ng serbisyo publiko para sa pag-unlad ng bansa.
Katunayan, lumawak na rin aniya ang papel at responsibilidad ng NEDA secretariat sa nakalipas na mga taon, kung saan nagsisilbi itong tagapangulo o miyembro ng higit 100 konseho at komite.
“There needs to be more than the current structure of NEDA to meet these expanded responsibilities. The reorganization into the Department of Economy, Planning, and Development will institutionalize its expanded mandate, allowing the agency to improve coordination with other executive departments and fulfill its role as the primary planning and policy body of the government.” ani Flores
Ang DEPDev ang magsisilbing primary socioeconomic planning agency na bubuo ng pangmatagalang development framework ng Pilipinas.
Isang kahalintulad na panukala na ang naaprubahan sa Senado. | ulat ni Kathleen Forbes