Naitala ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mahigit sa 200,000 pasahero kada araw, magmula noong Disyembre 20, na may kabuuang huling bilang na 218,172 na pasahero kahapon, araw ng Sabado.
Ayon kay Kolyn Calbasa, Senior Corporate Affairs Officer ng PITX, karamihan sa mga biyahero ay papuntang Bicol Region kung saan ilang bus companies na rin ang nakapagtatala ng full booking simula kahapon.
Ayon pa kay Jason Salvador, pinuno ng Corporate Affairs at tagapagsalita ng PITX, inaasahang malalampasan ngayong taon ang bilang ng mga pasahero ng kaparehong panahon noong 2023.
Ngayong Sabado naman, as of 10:00 AM, tinatayang nasa 61,069 na ang bilang ng mga biyahero ang nagtungo dito sa PITX. | ulat ni EJ Lazaro