Record breaking na 7.89 milyong Family Food Packs, naipaabot ng DSWD sa mga nangangailangan ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong 2024 ang pinakamalaking bilang ng naipamahagi nitong family food packs.

Ayon sa DSWD, sa pagtatapos ng taon, umabot sa 7.89 milyong kahon ng Family Food Packs (FFPs) ang naipaabot nito sa lahat ng mga naapektuhan ng iba’t ibang kalamidad at bagyo.

Kasama na rito ang mga biktima ng El Niño; pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon at mga sunod-sunod na bagyo na ang iba ay umabot pa sa supertyphoon category.

Ito na ang itinuturing na pinakamalaking tala ng FFPs na naipamigay bilang bahagi ng disaster response sa buong kasaysayan ng DSWD.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon pati na ng mga pag-ulang dala ng Shear Line sa Visayas at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.

Tiniyak naman ng DSWD na lalo nitong paiigtingin ang pagbibigay ng agarang tulong para sa mga Pilipinong nangangailangan ng maagap at mapagkalingang serbisyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us