Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namataan nila ang isang Russian Submarine sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, VAdm. Roy Vincent Trinidad, natukoy ang lokasyon ng Russian Submarine na UFA 490 sa layong 80 nautical miles, kanluran ng Cape Calavite.
Agad ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal sa naturang lugar kung saan, nagsagawa ito ng radio challenge.
Tumugon naman ang Russian Submarine at sinabing naghihintay lamang sila ng pagbuti ng panahon bago umalis.
Inalalayan naman ng Navy ang naturang Submarine upang tiyakin na susunod ito sa kanilang ipinangako at pagsunod sa maritime regulation dahil nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala