Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang substitute bill na naglalayong protektahan ang mga Pilipino laban sa harmfull effects ng industrial trans fatty acids.
Ayon kay Committee Vice Chair at Bukidnon Representative Laarni Roque, sponsor ng substitute bill, ang consolidation ng mga panukalang batas ay naglalayong i-regulate ang trans fatty food consumption ng mga Pilipino.
Aniya.. importante na i-regulate ang manufacturing, importation, pagbebenta at distribution ng mga pagkain na may industrial trans fatty content, dahil halos kalahating milyong katao sa buong mundo ang namamatay kada taon dahil dito.
Layon aniya ng batas, na makamit ng bansa ang tamang nutrisyon upang mapahaba ang kalidad ng buhay ng mga Pinoy, at i-promote ang public health alinsunod sa Universal Health Act.
Ang trans fat at unsaturated fatty acid ay makikita sa baked goods gaya ng cake, cookies at pies, pizza, fried foods at iba pa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes