PNP, inabswelto ang Pangulo sa pagkakasangkot sa iligal na droga

Walang nakitang dokumento ang Philippine National Police (PNP) kung saan kasama ang pangalan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa listahan ng mga sangkot sa iligal na droga. Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kaugnay ng alegasyon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit umano ng iligal na… Continue reading PNP, inabswelto ang Pangulo sa pagkakasangkot sa iligal na droga

DOF Sec. Recto, hinimok ang U.S. na palakasin ang trade partnership nito sa PIlipinas para paghusayin ang economic resilience, supply chain

Hinimok ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang Amerika na palakasin ang trade partnership nito sa PIlipinas upang i-diversify ang supply chain at paghusayin ang economic resilience. Sa kanyang bilateral meeting kay US Department of State Undersecretary for Economic Growth, Energy, and Environment Jose Fernandez, natalakay ang mga  pamamaraan para sa   “strategic partnerships… Continue reading DOF Sec. Recto, hinimok ang U.S. na palakasin ang trade partnership nito sa PIlipinas para paghusayin ang economic resilience, supply chain

UN Special Rapporteur Irene Khan, may pulong sa mga opisyal ng gov’t media agencies ngayong araw

Bumisita si United Nations Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression Irene Khan sa tanggapan ng Philippine Information Agency (PIA) ngayong umaga. Bahagi pa rin ito ng state visit ng opisyal para kamustahin ang lagay ng press freedom sa Pilipinas. Pakay ng pagbisita nito sa PIA ang pakikipagpulong sa ilang opisyal ng Government Media… Continue reading UN Special Rapporteur Irene Khan, may pulong sa mga opisyal ng gov’t media agencies ngayong araw

Bagong Pilipinas, suportado ng DOH-Bicol

Nagpahayag ng suporta ang Department of Health Bicol sa inilunsad na Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa Quirino Grandstand sa Maynila. Sinusuportahan ng DOH Bicol ang komprehensibong pagbabago sa pamumuno at pamamahala sa pamamagitan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pagpapatibay ng lipunan sa pagsasakatuparan ng mga layunin at mithiin ng bawat Pilipino… Continue reading Bagong Pilipinas, suportado ng DOH-Bicol

Focus crimes sa QC, bumaba sa 25% — QCPD

Iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) ang muling pagbaba sa walong focus crimes sa buong lungsod sa nakalipas na linggo. Ayon sa QCPD, bumaba sa 25% ang focus crimes sa lungsod mula January 22-28. Aabot sa 21 insidente ang naitala ng QCPD sa nakalipas na linggo kumpara sa 28 na nai-report mula January 15-21.… Continue reading Focus crimes sa QC, bumaba sa 25% — QCPD

3 sugatan sa sunog sa isang warehouse sa Brgy. Balong Bato, QC

Sugatan ang tatlong indibdiwal sa sunog na sumiklab sa isang furniture warehouse sa Brgy. Balong Bato, Quirino Highway, Quezon City kaninang madaling araw. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga biktima na sina Jericho Sales, 21y/o; Rodito Merondillo, 26y/o na kapwa nagtamo ng 2nd degree burn; at Michael Fajardo, 37y/o na… Continue reading 3 sugatan sa sunog sa isang warehouse sa Brgy. Balong Bato, QC

Mga alkalde, walang access sa national drug watch list — PDEA

Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang access ang mga local chief executives pagdating sa National Drug Watch List. Ginawa ng PDEA ang pahayag kasunod ng sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban kay President Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa pagkakasangkot umano ng Pangulo sa drug watch list ng PDEA na ipinakita… Continue reading Mga alkalde, walang access sa national drug watch list — PDEA

Ilang delivery riders, umaaray sa panibagong bigtime oil price hike

Dismayado ang ilang delivery rider sa Quezon City dahil tatamaan sila ng panibagong taas-presyo sa gasolina ngayong araw. Epektibo kaninang alas-6 ng umaga, ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na ₱2.80 kada litro ng gasolina. Karamihan sa mga nakapanayam na driver ng RP1 team, nagpakarga na kagabi pa para kahit papaano ay… Continue reading Ilang delivery riders, umaaray sa panibagong bigtime oil price hike

Minority solon, suportado ang Bagong Pilipinas campaign

Inihayag ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Representative Bernadette Herrera ang kaniyang pagsuporta sa Bagong Pilipinas campaign ng administrasyon. Isa si Herrera sa may 100 mambabatas na dumalo sa kick off rally ng kampanya na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa Quirino Grandstand. Ayon kay Herrera, naniniwala siya na ang… Continue reading Minority solon, suportado ang Bagong Pilipinas campaign

PIFITA bill, makatutulong sa pangangasiwa ng tax rates sa bansa

Makatutulong ang pagpapasa ng panukalang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) para mas mapataas ang pagsunod at pangangasiwa sa tax rates sa bansa. Ito ang ipinahayag ni Senate Committee on Ways and Means Senator Sherwin Gatchalian sa pagpapatuloy ng pagdinig sa naturang panukala. Sinabi rin ni Gatchalian na bukod sa pagpapasimple ng tax… Continue reading PIFITA bill, makatutulong sa pangangasiwa ng tax rates sa bansa