Department of Energy, iannunsyo ang full operation ng energy reserve market

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang full operation ng Energy Reserve Market upang matiyak na sapat at reliable ang kuryente sa bansa.  Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla ay nakahanda ang Energy Reserve Market na mag-dispatch sakaling kakapusin ang grid. Dagdag pa ng kalihim na ang Whole Electricity Spot Market (WESM), katuwang ang Philippine… Continue reading Department of Energy, iannunsyo ang full operation ng energy reserve market

Kahandaan ng kapulisan sa mga posibleng banta sa Dinagyang Festival, sinubok

Sinubok ang kahandaan ng kapulisan sa Dinagyang Festival 2024 sa isinagawang Simulation Exercise (SIMEX) sa Iloilo Freedom Grandstand. Layon ng SIMEX na masubok ang response time, capability at contingency plan ng kapulisan sa iba’t ibang insidente na posibleng mangyari sa pagdiriwang ng Dinagyang Festival 2024. Sa SIMEX, bombing incident na nagresulta sa stampede ang scenario.… Continue reading Kahandaan ng kapulisan sa mga posibleng banta sa Dinagyang Festival, sinubok

Kontribusyon ng BCDA sa AFP, umabot na sa P78.34B

Umabot na sa P78.34 bilyon ang kabuuang kontribusyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Batay sa BCDA, kasama sa halaga ang P48.59 bilyon para sa modernization program habang ang natitirang P29.75 bilyon ay napunta sa replikasyon ng military facilities. Binanggit din nito na ang nasabing mga kontribusyon… Continue reading Kontribusyon ng BCDA sa AFP, umabot na sa P78.34B

Speaker Romualdez, nanawagan ng kahinahunan mula sa Senado kasabay ng paggalang sa inter-parliamentary courtesy

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa Senado na maging mahinahon sa pagbibigay pahayag sa kanilang posisyon sa usapin ng people’s initiative (PI) at pag-amyenda sa ating saligang batas. Ito ay dahil na rin sa mga maaanghang na pahayag ng mga senador dahil sa pagkwestyon sa kredibilidad ng gumugulong na Peoples’ Initiative. Apela pa ng… Continue reading Speaker Romualdez, nanawagan ng kahinahunan mula sa Senado kasabay ng paggalang sa inter-parliamentary courtesy

Ilang senador, sinabing may trust isyu na sila sa Kamara dahil sa nangyayaring pagpapapirma para sa people’s initiative

Aminado ang ilang mga senador na mayroon nang trust issue sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa nangyayaring signature campaign para sa people’s initiative (PI). Ipinunto ni Senator Imee Marcos na una nang nagkasundo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcoa Jr. na… Continue reading Ilang senador, sinabing may trust isyu na sila sa Kamara dahil sa nangyayaring pagpapapirma para sa people’s initiative

Adams, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang katimugang bahagi ng Munisipalidad ng Adams, Ilocos Norte. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig alas-3:05 ng hapon. Natukoy ang sentro ng lindol 17kms South West ng Adams, Ilocos Norte at may lalim na 8kms. Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Naramdamang ang intensity:… Continue reading Adams, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

MTRCB, ibinasura ang apela ng SMNI; Suspensyon ng network, itutuloy

Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang motion for reconsideration na isinumite ng Sonshine Media Network International o SMNI kaugnay sa suspension ng nasabing network. Matatandaang noong Disyembre ay nag-issue ng 14-day preventive suspension ang MTRCB sa programa ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang… Continue reading MTRCB, ibinasura ang apela ng SMNI; Suspensyon ng network, itutuloy

Sen. Koko Pimentel, nanawagan kay Pangulong Marcos Jr. na pumagitna na sa isyu sa pagitan ng Senado at Kamara

koko pimentel press con may 21. Photo by Angie de Silva/Rappler

 Hinikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makialam na at pahintuin ang isinusulong na people’s initiative para sa charter change (chacha). Binigyang diin ni Pimentel na nakakaapekto na sa trabaho ng lehislatura ang isyung ito. Sinabi ng senador, na ang intervention na magmumula sa punong ehekutibo ang makakapigil… Continue reading Sen. Koko Pimentel, nanawagan kay Pangulong Marcos Jr. na pumagitna na sa isyu sa pagitan ng Senado at Kamara

Speaker Romualdez, walang inaatake na kaalyado ng administrasyon; Inamin na nami-miss ang pakikipagtrabaho kay VP Sara Duterte

Nanindigan si Speaker Martin Romualdez na wala siyang inaatakeng sinomang kaalyado ng administrasyon. Tugon ito ng House leader nang mahingan ng reaksyon sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte patungkol sa relasyon nila ni Romualdez. Sabi kasi ng bise, ang pinaka-akmang  pagsasalarawn ng kanilang relasyon ay ang galing kay Senator Imee Marcos, kung saan… Continue reading Speaker Romualdez, walang inaatake na kaalyado ng administrasyon; Inamin na nami-miss ang pakikipagtrabaho kay VP Sara Duterte

Pagsisimula ng operasyon sa Mindanao-Visayas Interconnection Project, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Masaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matapos ang mahabang paghihintay ay tuluyan nang umarangkada ang operasyon ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP). Sa isinagawang ceremonial energization ng MVIP sa Palasyo, sinabi ng Chief Executive na first ever in history sa bansa na ang tatlong pangunahing power grid, ang Luzon, Visayas, at Mindanao, ay magkakakonekta.… Continue reading Pagsisimula ng operasyon sa Mindanao-Visayas Interconnection Project, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.