7 bahay, naabo matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City

Naabo ang hindi bababa sa 7 bahay matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City sa Rizal. Batay sa ulat ng Antipolo City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa naturang junkshop sa bahagi ng Ma. Corazon Phase 3 sa Brgy. Bagong Nayon pasado alas-5 ng umaga. Ayon kay BFP Antipolo Chief for… Continue reading 7 bahay, naabo matapos madamay sa nasunog na junkshop sa Antipolo City

Nueva Ecija solon, ikinalugod ang desisyon ng DA na ipatigil muna ang pag-aangkat ng sibuyas

Welcome para kay Nueva Ecija Rep. Ria Vergara ang hakbang ng DA na magpataw ng moratorium sa pag-aangkat ng sibuyas. Ayon kay Vergara, magandang balita ito lalo na at sa katapusan ng buwan ng Pebrero ay magsisimula nang mag-ani ng sibuyas ang mga lokal na magsasaka. Paalala ng mambabatas, dapat ay alamin muna ng DA… Continue reading Nueva Ecija solon, ikinalugod ang desisyon ng DA na ipatigil muna ang pag-aangkat ng sibuyas

German Federal Criminal Police Liaison Office, nagbigay ng logistics sa NBI

Nagbigay ng iba’t ibang equipment sa National Bureau of Investigation ang German Federal Police Liaison Office na magagamit laban sa human trafficking sa bansa. Ang mga donasyong equipment ay ipinagkaloob ni German Ambassador to Manila, Dr. Andreas Pfaffernoschke, kay NBI Director Medardo De Lemos. Ilan sa mga ipinagkaloob na equipment ang 10 units ng laptop,… Continue reading German Federal Criminal Police Liaison Office, nagbigay ng logistics sa NBI

Dalawang bayan ng Occidental Mindoro, tinamaan na rin ng ASF

Kinumpirma ng Department of Agriculture na tinamaan na rin ng African Swine Fever (ASF) ang dalawang bayan ng Occidental Mindoro. Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, batay sa impormasyon mula sa Bureau of Animal Industry, naitala ang kaso ng ASF sa mga bayan ng Santa Cruz at San Jose. Agad naman aniyang kumilos… Continue reading Dalawang bayan ng Occidental Mindoro, tinamaan na rin ng ASF

‘Angels in Red Vests’, inilunsad ng DSWD

Inilunsad ngayong araw, Enero 22 ng Department of Social Welfare and Development ang kampanya na magbibigay parangal sa walang humpay na dedikasyon ng mga tauhan ng ahensya . Tinawag na ‘Angels in Red Vests’ (ARV) ang kampanya na parte ng long-term vision ni DSWD Secretary Rex Gatchalian. Ayon sa DSWD, layon nitong isulong ang kahusayan… Continue reading ‘Angels in Red Vests’, inilunsad ng DSWD

Pagpapalakas sa lokal na produksyon, itinutulak ng DA para hindi pumalo sa 3.8M ang rice import ngayong 2024

Tiniyak ng Department of Agriculture na tinututukan na nito ang pagpapalakas sa lokal na produksyon partikular ng bigas sa kabila ng hamon ng El Niño. Ito ay sa gitna ng projection ng United States’ Department of Agriculture (USDA) na mananatiling “Top 1 Global Rice Importer” ang Pilipinas dahil sa projection na 3.8 milyong metriko tonelada… Continue reading Pagpapalakas sa lokal na produksyon, itinutulak ng DA para hindi pumalo sa 3.8M ang rice import ngayong 2024

SINAG, umaasang hindi pumalo sa 3.8-M metriko tonelada ang rice import ng bansa ngayong 2024

Umaasa ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi umabot sa 3.8 milyong tonelada ang rice import ng bansa ngayong 2024. Ito ay sa kabila ng projection ng United States Department of Agriculture (USDA) na mananatiling “Top 1 Global Rice Importer” ang Pilipinas. Sa panayam sa media, sinabi ni SINAG Exec. Dir. Jayson Cainglet… Continue reading SINAG, umaasang hindi pumalo sa 3.8-M metriko tonelada ang rice import ng bansa ngayong 2024

Mindanao solon, pinagbibitiw ang general manager ng PCSO kasunod ng edited na larawan ng nanalong lotto bettor

Pinalalahanan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang PCSO sa kahalagahan ng public trust sa public office. Kasunod ito ng pagdududa sa mga nananalo sa state lottery matapos mag-viral ang isang litrato ng nanalong lotto bettor na edited pala. Ayon kay Barbers, hindi naman kasi kailangan isapubliko pa ang larawan ng nananalong mga… Continue reading Mindanao solon, pinagbibitiw ang general manager ng PCSO kasunod ng edited na larawan ng nanalong lotto bettor

CARAGA region, nagtamo ng mahigit P14-M halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa sama ng panahon

Umaabot na sa mahigit P14 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura na iniwan ng sama ng panahon dulot ng shear line sa CARAGA region. Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 638 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan partikular sa Agusan del Sur at Surigao del Sur.… Continue reading CARAGA region, nagtamo ng mahigit P14-M halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa sama ng panahon

Isang mambabatas, mas nais panatilihin ang kasalukuyang school calendar

Hindi pabor si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa mga mungkahi na ibalik sa dati ang school calendar o June to March na pasok kumpara sa kasalukuyang August to May. Aniya tumatama ang tag-ulan tuwing June hanggang March. Batay rin aniya sa mga pag-aaral mas makaunti o madalang ang ulan na… Continue reading Isang mambabatas, mas nais panatilihin ang kasalukuyang school calendar