Suporta sa prosesong pangkapayapaan, tiniyak ng religious leaders sa Mindanao

Tiniyak ng mga religious leaders sa Mindanao ang kanilang suporta sa prosesong pangkapayapaan sa rehiyon. Ang pagpapahayag ng suporta ay ginawa sa katatapos lamang na dalawang araw na interreligious dialogues for peace sa pagitan ng Muslim at Christian faiths, Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity o OPAPRU, militar at lokal na… Continue reading Suporta sa prosesong pangkapayapaan, tiniyak ng religious leaders sa Mindanao

DA-Bicol, nakahanda na sa posibleng epekto ng El Niño sa rehiyon

Nakanda na ang Department of Agriculture Bicol sa posibleng maging epekto ng El Niño sa agrikultura sa buong rehiyon. Ayon kay Spokesperson Lovella Guarin, Hunyo nitong nakaraang taon ng magsimula silang magbigay paalala at paghahanda sa mga magsasaka sa rehiyon kaugnay sa posibleng maging epekto nito sa kanilang kabuhayan. Ilan sa mga hakbang at inisyatibong… Continue reading DA-Bicol, nakahanda na sa posibleng epekto ng El Niño sa rehiyon

PRO 10, tiniyak ang kapayapaan sa Northern Mindanao, kasunod ng inilabas na negatibong travel advisory ng CANADA

Tiniyak ng Police Regional Office (PRO) 10 na maayos ang situasyong panseguridad sa Northern Mindanao, sa kabila ng paglabas ng travel advisory ng Canada sa kanilang mga mamayan na iwasang bumisita sa rehiyon. Sa isang pahayag, sinabi ni PRO 10 Regional Director PBGen Ricardo Gonzales Layug Jr, na tahimik at mapayapa ang Northern Mindanao. Nagpahayag… Continue reading PRO 10, tiniyak ang kapayapaan sa Northern Mindanao, kasunod ng inilabas na negatibong travel advisory ng CANADA

Mga buto ng tao, muling nahukay sa  sa capitol grounds ng Nueva Vizcaya para sa itinatayong PDRRMO building nito

Muling naging sentro ng usapin ngayon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos makahukay na naman ng mga buto ng tao sa construction site kung saan itatayo ang isang 3-storey building para sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Command Center sa bayan ng Bayombong. Naipasakamay na sa PNP-SOCO sa lalawigan ang nasabing mga kalansay,… Continue reading Mga buto ng tao, muling nahukay sa  sa capitol grounds ng Nueva Vizcaya para sa itinatayong PDRRMO building nito

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱48-M ayuda sa mga apektado ng shear line

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng shear line. Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa ₱48.2-million ang halaga ng ayudang naihatid sa 388 apektadong barangay sa Region 10, 11, at CARAGA. Samantala, as of January 21… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱48-M ayuda sa mga apektado ng shear line

₱1,000 buwanang social pension, matatanggap na ng indigent seniors simula sa Pebrero — DSWD

Tataas na simula sa Pebrero ang makukuhang social pension ng mga senior citizen mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon sa DSWD, sisimulan na nito sa susunod na buwan ang pamamahagi ng ₱1,000 monthly stipend sa mga benepisyaryong idigent senior citizens. Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, nakalakip… Continue reading ₱1,000 buwanang social pension, matatanggap na ng indigent seniors simula sa Pebrero — DSWD

Survey para sa planong relocation ng Kamara sa Taguig, isinagawa

Nagkasa ng survey ang Kamara upang malaman ang pulso ng mga empleyado at staff kaugnay sa planong paglipat ng tanggapan ng House of Representatives patungo sa Taguig. Noong January ang deadline sa pagsagot sa naturang survey kung saan tinanong ang mga opisyal, empleyado, at congressional staff kung pabor ba sila sa planong relocation. Matatandaan na… Continue reading Survey para sa planong relocation ng Kamara sa Taguig, isinagawa

DA-10 at ibang ahensya ng pamahalaan, nagpulong para sa pagsasapinal ng Food Security Cluster sa paghahanda sa El Niño 

Ayon kay DA-10 Field Operations Division Chief and Disaster Risk Reduction Management focal person Luz Guzman, ang layunin ng nasabing pulong ay masapinal ang istraktura ng Food Security Cluster na siyang responsable sa pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at magsiguro na mayroong pagkain sa panahon ng El Niño.  Dagdag pa ni Ms. Guzman kailangan… Continue reading DA-10 at ibang ahensya ng pamahalaan, nagpulong para sa pagsasapinal ng Food Security Cluster sa paghahanda sa El Niño 

Nangyaring aksidente sa jeep sa Laguna, patunay lang ng pangangailangan sa PUV Modernization — LTO

Naniniwala ang Land Transportation Office (LTO) na mababawasan ang mga malalagim na aksidente sa daan kung maipatutupad na ng lubusan ang PUV Modernization Program. Kasunod ito ng nangyaring aksidente sa jeep noong January 19 sa Nagcarlan, Laguna na ikinasawi ng dalawang pasahero kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata. Ayon kay LTO Chief Assistant… Continue reading Nangyaring aksidente sa jeep sa Laguna, patunay lang ng pangangailangan sa PUV Modernization — LTO

CHED Commissioner Darilag, pinatawan ng 90 araw na suspensyon

Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) ang pag-isyu ng Office of the President (OP) ng 90-day preventive suspension laban kay CHED Commissioner Aldrin Darilag dahil sa umano’y grave misconduct, neglect in the performance of duty, at abuse of authority. Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chair Popoy de Vera na inatasan din ng OP… Continue reading CHED Commissioner Darilag, pinatawan ng 90 araw na suspensyon