Laguna Lake, nakikitang alternatibong mapagkukunan ng isda upang mapababa ang presyo nito sa merkado

Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na nakikitang alternatibong mapagkukunan ng isda ang Laguna Lake upang mapababa ang presyo nito sa merkado. Ayon kay Agriculture Secretary Laurel Tiu, target nitong mapataas ang produksyon ng isda upang mapababa ang presyo sa mga pamilihan. Gaya aniya ng Bangus na target na mapababa ng P50-P70 kada kilo. Binigyang… Continue reading Laguna Lake, nakikitang alternatibong mapagkukunan ng isda upang mapababa ang presyo nito sa merkado

Insidente ng cybercrime, bumaba ng halos 43% sa huling bahagi ng 2023

Iniulat ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na bumaba ng 42.9% ang mga naitalang kaso ng cyberime sa huling anim na buwan ng 2023. Ayon kay PNP ACG Director Police Maj. General Sydney Sultan Hernia, 6,385 na kaso ang iniulat sa ACG mula Agosto hanggang Disyembre noong 2023, na malaki ang ibinaba mula sa 14,893 kasong… Continue reading Insidente ng cybercrime, bumaba ng halos 43% sa huling bahagi ng 2023

LTO, handa nang manghuli ng mga colorum na PUJs pagsapit ng Pebrero

Nakahanda na ang Land Transportation Office na magkasa ng operasyon laban sa unconsolidated PUJs na ituturing nang colorum pagsapit ng Pebrero. Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, may sapat silang bilang ng enforcer para mai-deploy sa mga kalsada at manghuli ng mga colorum. Sa ngayon, iniiimprenta na aniya ngayon ng LTO ang kopya… Continue reading LTO, handa nang manghuli ng mga colorum na PUJs pagsapit ng Pebrero

Resulta ng survey na nagsasabing dapat pagtibayin pa ang alyansa ng PH at US sa isyu ng WPS, welcome sa NSC

Ikinatuwa ng National Security Council o NSC ang lumabas na survey ng Pulse Asia kung saan 79% ng mga Pilipino ang sumusporta sa pagpapatibay ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa isyu ng West Philippine Sea. Sa isang pahayag, sinabi ni National Security Adviser, Sec. Eduardo Año, nagpapasalamat sila sa sambayanang Pilipino sa… Continue reading Resulta ng survey na nagsasabing dapat pagtibayin pa ang alyansa ng PH at US sa isyu ng WPS, welcome sa NSC

House leaders, naniniwala na dapat pa ring ituloy nag People’s Initiative

Kapwa nanindigan sina Albay 2nd district Rep. Joey Salceda at Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na dapat ipagpatuloy pa rin ng People’s Initiative kahit pa naghain na ang Senado ng resolusyon para magpatawag ng Constituent Assembly para ameyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas. Ayon kay Salceda na chairperson ng Ways… Continue reading House leaders, naniniwala na dapat pa ring ituloy nag People’s Initiative

Pag-IBIG Fund, pinasalamatan ang ilang OFW workers group sa pagsuporta sa premium hike ngayong taon

Nagpasalamat ang Home Development and Mutual Fund o Pag-IBIG Fund sa patuloy na suporta ng iba’t ibang grupo ng manggagawa mula sa lokal at internasyonal sa nakaambang premium hike ngayong 2024. Sa isang Statement, sinabi ng Pag-IBIG na nakuha nila ang simpatya ng Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. hinggil sa pagtataas ng contribution ngayong… Continue reading Pag-IBIG Fund, pinasalamatan ang ilang OFW workers group sa pagsuporta sa premium hike ngayong taon

DBM, nanindigang legal ang ‘unprogrammed funds’ na nasa 2024 NEP

Nanindigan ang Department of Budget and Management na legal ang ‘unprogrammed appropriations’ na nakapaloob sa P5.768 trillion na pambansang pondo para sa taong ito. Ginawa ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang pahayag na ito matapos kwestyunin ng ilang kongresista sa Supreme Court ang legalidad ng ‘unprogrammed funds’. Sabi ni Pangandaman, dumaan sa matinding deliberasyon ng… Continue reading DBM, nanindigang legal ang ‘unprogrammed funds’ na nasa 2024 NEP

2 drug suspek at isang bagitong pulis, huli sa buy-bust operation sa Carmen, CDO

Naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Drug Enforcement Unit 10 ang dalawang drug suspect kasama ang isang bagitong pulis sa buy-bust operation sa Carmen, Cagayan de Oro City kahapon, Enero 17, 2024. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, tinukoy ang arestadong pulis na hindi muna pinangalanan, na isang corporal na naka-assign sa Cagayan… Continue reading 2 drug suspek at isang bagitong pulis, huli sa buy-bust operation sa Carmen, CDO

Police major na sangkot sa pagkawala ng Batangas beauty queen, sinibak na sa serbisyo

Sinibak na sa serbisyo si Police Major Allan Avena De Castro na isa sa mga suspek sa pagkawala ng Batangas beauty queen na si Catherine Camilon. Ayon kay Police Regional Office (PRO) 4A Regional Director Police BGen. Kenneth Lucas, nilagdaan niya ang dismissal order na epektibo nitong Enero 16, matapos ang masusing imbestigasyon ng PRO… Continue reading Police major na sangkot sa pagkawala ng Batangas beauty queen, sinibak na sa serbisyo

MARINA, pinakikilos ni PBBM para sa standardization ng industriya ng pagmamarino sa bansa

Pinakikilos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang Maritime Industry Authority o MARINA upang gumawa na ng kaukulang hakbang para sa standardization ng Philippine Maritime Industry at makasabay na sa pandaigdigang pamantayan sa industriya ng pagmamarino. Ayon sa Pangulo, marami sa rules and operations ng maritime industry sa bansa ay pawang luma na at may… Continue reading MARINA, pinakikilos ni PBBM para sa standardization ng industriya ng pagmamarino sa bansa