Leyte solon, itinanggi na may nag-aalok ng ₱20-M sa mga kongresista kapalit ng pagpapapirma sa People’s Initiative

Pinabulaanan ni Leyte Representative Richard Gomez ang kumakalat na balitang inalok ng tig-₱20-million ang mga kongresista upang simulan ang pagpapapirma sa People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon. Ayon sa mambabatas, hindi sila kailangang bayaran pagdating sa pagsusulong ng Constitutional reforms lalo na kung para naman ito mapagbuti ang ekonomiya at buhay ng mga Pilipino. Katunayan,… Continue reading Leyte solon, itinanggi na may nag-aalok ng ₱20-M sa mga kongresista kapalit ng pagpapapirma sa People’s Initiative

Pagpapalawak sa Oplan Pag-abot ngayong 2024, plantsado na

Tuloy-tuloy at mas pinalawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong 2024 ang pag-alalay nito sa mga bata, indibidwal, at pamilyang nasa lansangan sa pamamagitan ng Oplan Pag-Abot Project. Ayon sa DSWD, muli nang naglilibot ang Oplan Pag-Abot team sa buong Metro Manila para magsagawa ng reach out operations at masigurong matutunton ang… Continue reading Pagpapalawak sa Oplan Pag-abot ngayong 2024, plantsado na

Ulan sa ilang lalawigan, natapyasan na ng 20-60% dahil sa El Niño — PAGASA

Nakararanas na ng mas mababa sa normal na ulan ang ilang lalawigan sa bansa dahil sa El Niño. Ayon sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng 20% hanggang 60% reduction ng tubig-ulan bunsod ng El Niño phenomenon. Kabilang dito ang Cavite na mas… Continue reading Ulan sa ilang lalawigan, natapyasan na ng 20-60% dahil sa El Niño — PAGASA

Multang katumbas ng economic losses na matatamo ng isang LGU mula sa blackout, iminungkahi ni Sen. Gatchalian

Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na magkaroon ng mas mabigat na parusa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) o sa sinumang magdudulot ng malawakang pagkawala ng kuryente. Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Energy tungkol sa naging blackout sa Panay Island nitong unang linggo ng Enero, sinabi ni Gatchalian na nais niyang… Continue reading Multang katumbas ng economic losses na matatamo ng isang LGU mula sa blackout, iminungkahi ni Sen. Gatchalian

NGCP, bukas sa pagrebyu ng kanilang prangkisa

Bukas ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pagrebyu ng kanilang 25-year legislative franchise. Ito ay sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na rebyuhin ang prangkisa ng NGCP kasunod ng nangyaring malawakang blackout sa Panay Island nitong unang Linggo ng Enero. Ayon sa tagapagsalita ng NGCP na si Atty. Cynthia Alabanza, ang… Continue reading NGCP, bukas sa pagrebyu ng kanilang prangkisa

Ika-15 batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang magbalik-Pilipinas ngayong araw

Aabot sa 29 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakatakdang magbalik-Pilipinas ngayong araw buhat sa Israel. Bahagi pa rin ito ng repatriation efforts ng pamahalaan para sa mga Pilipinong nagnais nang umuwi bunsod ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng grupong Hamas. Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers (DMW),… Continue reading Ika-15 batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang magbalik-Pilipinas ngayong araw

MERALCO, may paalala sa kanilang mga kliyente sa paggamit ng kuryente ngayong panahon ng El Niño

Dapat bantayan ng publiko ang kanilang konsumo sa kuryente lalo’t inaasahan ang mas mainit na panahon ngayong umiiral ang El Niño phenomenon. Ito’y ayon sa Manila Electric Company (MERALCO) makaraang i-anunsyo nito ang ₱0.08 sentimos kada kilowatt hour na umento sa kanilang singil para sa buwan ng Enero. Ayon sa MERALCO, mainam na maging masinop… Continue reading MERALCO, may paalala sa kanilang mga kliyente sa paggamit ng kuryente ngayong panahon ng El Niño

₱10.8-B halaga ng nakumpiskang iligal na droga noong nakaraang taon, ibinida ni Sec. Abalos

Ibinida ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na naging matagumpay ang kampanya kontra droga sa ilalim ng administrasyong Marcos sa pagkakasabat ng mga awtoridad ng  kabuuang ₱10.8-bilyong pisong halaga ng iligal na droga noong nakaraang taon. Ito ang inihayag ni Sec. Abalos sa kanyang mensahe sa tradisyonal na… Continue reading ₱10.8-B halaga ng nakumpiskang iligal na droga noong nakaraang taon, ibinida ni Sec. Abalos

NGCP, iginiit na sumunod sila sa Philippine Grid Code sa pagtugon sa Panay power outage

Ipinahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sinunod lang nila ang protocol ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pagtugon sa multiple plant shutdown sa Panay. Ayon kay NGCP National System Operations Head Clark Agustin, base sa kanilang record at datos ay walang abnormality sa voltage mula sa oras ng pag shutdown ng… Continue reading NGCP, iginiit na sumunod sila sa Philippine Grid Code sa pagtugon sa Panay power outage

2024 Summer Metro Manila Film Festival, hindi na itutuloy – MMDA

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na ito magsasagawa ng 2024 Summer Metro Manila Film Festival. Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chairman at MMFF concurrent overall Chairman Atty. Don Artes, na ito ay dahil gustong tutukan ng MMDA ang 50th edition ng MMFF sa Disyembre. Nauna rito ay nagkausap naman… Continue reading 2024 Summer Metro Manila Film Festival, hindi na itutuloy – MMDA