CHED, nilinaw na hindi biglaan ang paglalabas ng memo hinggil sa pagtatapos ng SHS transition period sa SUCS at LUCS

Binigyang linaw ngayon ng CHED na hindi biglaan ang pagiisyu nito ng memo hinggil sa pagpapatigil ng voucher sa Senior High School (SHS) Program sa State Universities and Colleges (SUCs) and Local Universities and Colleges (LUCs). Ayon kay CHED Chair Popoy De Vera, ilang taon nang nagiisyu ang komisyon ng abiso sa SUCS at LUCS… Continue reading CHED, nilinaw na hindi biglaan ang paglalabas ng memo hinggil sa pagtatapos ng SHS transition period sa SUCS at LUCS

Target na farm-to-market roads hanggang 2028, nasa 51 % na ang tapos — PBBM

Nasa higit kalahati na ang target ng administrasyong Marcos hanggang 2028 na may kinalaman sa farm-to-market roads ang nabuo ng pamahalaan sa loob lamang ng isa’t kalahating taon. Sa video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inihayag nito na sa 131, 410.66 kilometers na farm-to-market road na target tapusin sa pagtatapos ng kanyang termino, ay… Continue reading Target na farm-to-market roads hanggang 2028, nasa 51 % na ang tapos — PBBM

3 NPA members, sumuko sa Lianga, Surigao del Sur

Boluntaryong sumuko sa mga tropa ng 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion, ng 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade ang 3 regular na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy St Christine, Lianga, Surigao del Sur. Kinilala ng militar ang mga sumuko na sina: Alberto Perez Pañabe alyas Jong, Brian Ruadil Bulagao alyas Dave, at… Continue reading 3 NPA members, sumuko sa Lianga, Surigao del Sur

Mga pulis, pinuri ng PNP Chief sa nakamit na 80% trust rating sa OCTA survey at highest complaint resolution sa CSC

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang buong hanay ng PNP sa kanilang pagsisikap na magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin. Sa kanyang unang flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong 2024, sinabi ni Gen. Acorda na patunay ng dedikasyon sa trabaho ng mga pulis ang nakamit nilang 80% trust rating mula… Continue reading Mga pulis, pinuri ng PNP Chief sa nakamit na 80% trust rating sa OCTA survey at highest complaint resolution sa CSC

Tagum City PNP, nanawagan sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sumunod sa mga panuntunan

Nanawagan ngayon ang Tagum City Police Station sa Davao del Norte na sumunod sa mga regulasyon at panuntunan sa isasagawang Translasyon ng Itim na Poong Nazareno sa lungsod bukas, Enero 9, 2024. Sa inilabas na pahayag ng kapulisan, inihayag nito na dapat gawin ng mga deboto ang pagsunod sa tamang lalo na sa panahon prosesyon… Continue reading Tagum City PNP, nanawagan sa mga deboto ng Itim na Nazareno na sumunod sa mga panuntunan

Akusasyon ng isang mambabatas hinggil sa blackout sa Iloilo, pinalagan ng service distributor nito

Pumalag ang More Electric and Power Corporation, ang power distribution utility sa Iloilo City, sa paninisi sa kanila sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island. Giit ni More Power President at CEO Roel Castro, hindi nauunawaan ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang buong sistema kaya mahirap magkomento sa maling basehan nito. Bagamat una nang… Continue reading Akusasyon ng isang mambabatas hinggil sa blackout sa Iloilo, pinalagan ng service distributor nito

PNP Chief Gen. Acorda, ikinagalit ang pagkakadawit niya sa destabilisasyon

Hindi napigilan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. na maglabas ng kaniyang pagkadismaya sa pagdadawit sa kaniyang pangalan sa isyu ng destabilisasyon. Ito ang bumungad sa kaniyang talumpati sa kauna-unahang flag raising ceremony ng PNP para sa taong 2024 sa Kampo Crame ngayong umaga. Aniya, hindi katanggap-tanggap ang ginagawang pagdawit sa… Continue reading PNP Chief Gen. Acorda, ikinagalit ang pagkakadawit niya sa destabilisasyon

Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim sa review ang komposisyon at kakayanan ng mga commissioner ng CHED. Bunsod pa rin ito ng anunsyo ng ahensya na natapos na ang otorisasyon at funding ng mga state universities and colleges para mag offer ng senior high… Continue reading Komposisyon ng CHED, pinarerepaso ng isang mambabatas

Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

Naglabas ng “safety tips” ang Philippine Red Cross (PRC) para sa mga debotong lalahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno, bukas. Paalala ng PRC sa publiko, maging alerto at gawing prayoridad ang kanilang kaligtasan. Ayon sa Red Cross, mainam na magsuot ng face mask, dumistansya sa makapal na bilang ng tao, at mag-sanitize gamit ang… Continue reading Red Cross, may paalala sa mga debotong lalahok sa Traslacion bukas

Mga estudyante ng Sarrat National High School, nagkampeon sa World International Mathematical Olympiad sa Malaysia

Muling nagwagi ang mga estudyante ng Sarrat National High School (SNHS) mula sa bayan ng Sarrat Ilocos Norte ng International Mathematical competition sa katatapos na laban sa Kuala Lumpur Malaysia na ginanap noong Enero 5-8, 2024. Ang World International Mathematical Olympiad (WIMO) na sinalihan ng 243 qualifiers mula sa 40,000 competitors ng Thailand International Mathematical… Continue reading Mga estudyante ng Sarrat National High School, nagkampeon sa World International Mathematical Olympiad sa Malaysia