Nasa 61 na motorista, natiketan ng MMDA sa ikinasang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes

Umabot sa 61 na mga motorista ang natiketan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa isinagawang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes. Layon ng operasyong ito na alisin ang mga sagabal sa mga pangunahing kalsada at Mabuhay Lanes na alternatibong ruta ng mga motorista. Ayon sa MMDA, bukod sa mga… Continue reading Nasa 61 na motorista, natiketan ng MMDA sa ikinasang operasyon kontra illegal parking sa Mabuhay Lanes

In-person classes para sa PDLs sa Manila City Jail, ikinagalak ng CHR

Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang kauna-unahang in-person classes para sa Persons Deprived of Liberty sa Manila City Jail na inisyatiba ng Polytechnic University of the Philippines Open University (PUPOU). Sa kanilang pahayag, nanatiling determinado ang CHR sa pagpapatibay na ang edukasyon ay pangunahing karapatan ng lahat, kabilang ang mga PDL at ang… Continue reading In-person classes para sa PDLs sa Manila City Jail, ikinagalak ng CHR

Bagyong Julian, lumalayo na sa Batanes, pero nakararanas pa rin ng matinding pag-ulan sa Northern Luzon –PAGASA

Papalayo na sa Batanes ang Bagyong Julian patungo sa hilagang-kanlurang hangganan ng Philippine Area of Resposibility (PAR). Sa ulat ng PAGASA-DOST ngayong hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 km ng kanluran-timog kanluran ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km kada oras malapit sa gitna at bugso… Continue reading Bagyong Julian, lumalayo na sa Batanes, pero nakararanas pa rin ng matinding pag-ulan sa Northern Luzon –PAGASA

Pamahalaan, mahigpit na nakabantay sa bagyong Julian

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan sa pinakahuling galaw ng bagyong Julian lalo’t base sa forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa super typhoon ang lakas nito. Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayon pa lamang inihahanda na nila ang mga kakailanganin ng mga dadanaan ng bagyo. “We’re still having to wait for the water… Continue reading Pamahalaan, mahigpit na nakabantay sa bagyong Julian

Desisyon ni Sen. Imee Marcos na maging independent para sa 2025 midterm elections, niri-respeto ni Pangulong Marcos

Walang problema kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang desisyon ni Senator Imee Marcos na maging independent na lamang para sa 2025 midterm elections. Kung matatandaan, kasama sana sa senatorial lineup ng Alyansa ang senator, ngunit mas pinili nito na kumandidato mag-isa. Sa ambush interview sa Capas, Tarlac, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtakbo… Continue reading Desisyon ni Sen. Imee Marcos na maging independent para sa 2025 midterm elections, niri-respeto ni Pangulong Marcos

Quad Comm, di isinasantabi ang posibilidad na kausapin ang Chinese spy na nakakulong sa Thailand

Napag-uusapan ng House Quad Committee members ang posibilidad na lumipad ng Thailand para makausap ang nagpakilalang Chinese spy na si She Zhijang. Ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, hindi nila isinasantabi na pumunta sa Thailand para mabusisi kung ang kaniyang impormasyon na espiya rin si Alice Guo ay totoo o hindi. Giit… Continue reading Quad Comm, di isinasantabi ang posibilidad na kausapin ang Chinese spy na nakakulong sa Thailand

DSWD, may anunsiyo para sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na i-update ang kanilang mga profile. Partikular dito ang mga sambahayang may buntis o may anak na 0 hanggang 2 taong gulang ang edad. Sa abiso ng DSWD, kailangan lang ng mga ito na makipag-ugnayan o… Continue reading DSWD, may anunsiyo para sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Metro Manila at kalapit lalawigan, uulanin pa ngayong hapon – PAGASA

Makakaranas pa ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at kalapit lalawigan ng Pampanga, Laguna, Quezon at Batangas ngayong hapon. Sa inilabas na Thunderstorm Advisory ng PAGASA, ang mga pag-ulan ay may kasamang pagkidlat at malakas na hangin. Kasabay nito ang mga pag-ulan na mararanasan sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc sa Zambales, Dinalupihan,… Continue reading Metro Manila at kalapit lalawigan, uulanin pa ngayong hapon – PAGASA

Help Desk para sa mga OFW sa Lebanon, binuksan na ng DMW

Nagbukas na ang Department of Migrant Workers (DMW) ng Help Desk sa Lebanon. Ayon sa DMW, sakop nito maging ang mga undocumented overseas Filipino worker (OFW) na nangangailangan ng agarang tulong. Sa gitna ito ng lumalalang tensyon at sunod-sunod na pambobomba ng Israel sa Lebanon. Sa abiso ng DMW, maaaring tumawag sa kanilang hotlines ang… Continue reading Help Desk para sa mga OFW sa Lebanon, binuksan na ng DMW

Isa pang baybaying dagat sa Mindanao, nagpositibo sa red tide

Ipinagbawal na sa publiko ang paghango at pagkain ng mga shellfish mula sa Lianga Bay sa Surigao Del Sur. Ito ay matapos ideklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa Paralytic Shellfish Poison ang mga lamang dagat doon. Ayon sa BFAR, lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa apektadong… Continue reading Isa pang baybaying dagat sa Mindanao, nagpositibo sa red tide