QC LGU, pinag-iingat ang publiko sa nakakahawang sakit na Hand, Foot and Mouth Disease

Nagpaalala ang Quezon City Government sa publiko na mag ingat sa nakakahawang sakit na Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD). Ang sakit na ito ay dulot ng virus na nakukuha mula sa paghawak sa kontaminadong bagay o gamit ng taong may HFMD, pagbahing at pag-ubo, at malapitang pakikisalamuha sa taong may ganitong karamdaman. Sa ulat… Continue reading QC LGU, pinag-iingat ang publiko sa nakakahawang sakit na Hand, Foot and Mouth Disease

OTS screening officer, nagsauli ng naiwang alahas sa Clark International Airport

Ipinakita ng isang Security Officer ng Office for Transportation Security (OTS) ang katapatan nito nang isauli niya ang naiwang jewelry box ng isang pasahero sa security screening area sa Clark International Airport. Laman umano ng nasabing jewelry box ang dalawang kwintas na pagmamay-ari ng pasahero na patungong Singapore sakay ng Tiger Airways flight TR 395… Continue reading OTS screening officer, nagsauli ng naiwang alahas sa Clark International Airport

Pabahay para sa mga pamilyang Sibugaynon, iginawad na ng NHA

Pormal nang ipinagkaloob ng National Housing Authority ang mga housing unit sa 23 pamilyang Sibugaynon sa Imelda, Zamboanga Sibugay. Ang mga iginawad na pabahay ay bahagi ng 55-unit ng San Jose Village Resettlement Housing Project. Pinangunahan ni NHA Region 9 Manager Engr. Al-Khwarizmi Indanan ang pamamahagi ng pabahay sa mga benepisyaryo. Kanya ding tiniyak na… Continue reading Pabahay para sa mga pamilyang Sibugaynon, iginawad na ng NHA

“Pahalik” sa Poong Hesus Nazareno, nakatakdang isagawa sa Enero 7

Itinakdang isagawa sa Enero 7 ang tradisyunal na “Pahalik” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand, Rizal Park, sa Lungsod ng Maynila. Ayon sa mga organizer, mag-uumpisa ang “Pahalik” sa Martes, kasabay ng paghahanda para sa 30 Fiesta Masses mula Enero 8 ng 3:00 ng hapon hanggang 11:00 ng… Continue reading “Pahalik” sa Poong Hesus Nazareno, nakatakdang isagawa sa Enero 7

DMW Sec. Cacdac, binisita ang pamilya ng namatay na OFW sa Kuwait at tiniyak ang tulong

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong sa pamilya ng Pinay na Overseas Filipino Worker na namatay sa Kuwait. Kahapon, personal na binisita ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pamilya ng namatay na OFW na si Dafnie Nacalaban. Nagpaabot ito ng kanyang pakikiramay at tiniyak ang suporta at tulong mula sa pamahalaan.… Continue reading DMW Sec. Cacdac, binisita ang pamilya ng namatay na OFW sa Kuwait at tiniyak ang tulong

Bulkang Kanlaon, higit 1 at kalahating oras na nagbuga ng abo at mahabang oras na pagyanig-PHIVOLCS

Nananatili pa rin ang mataas na aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros Islands sa Visayas. Ayon sa PHIVOLCS sa nakalipas na 24 na oras, nagbuga ng abo ang bulkan na tumagal ng higit isa at kalahating oras. Nakapagtala rin ng 23 volcanic earthquake kabilang ang volcanic tremors na tumagal ng 4 hanggang 111 minuto ang… Continue reading Bulkang Kanlaon, higit 1 at kalahating oras na nagbuga ng abo at mahabang oras na pagyanig-PHIVOLCS

China “monster ship,” namataan malapit sa Luzon

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng Chinese Coast Guard vessel 5901 na nasa 54 nautical miles ang layo mula sa Capones Island sa Zambales. Ayon sa PCG, natukoy ang barko gamit ang Dark Vessel Detection (DVD) system ng Canada kaya’t agad ipinadala ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang BRP Cabra… Continue reading China “monster ship,” namataan malapit sa Luzon

Higit isang daang sasakyan, inalis sa mga kalsada sa Maynila bilang paghahanda sa Traslacion—MMDA

Tuloy-tuloy na ang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kalsada sa Maynila ilang araw bago ang pista ng Itim na Nazareno. Partikular na nililinis ng MMDA Special Operations Group–Strike Force (SOG-SF) ang mga pangunahing kalsada na dadaanan ng Traslacion. Kahapon umabot sa 104 na sasakyan ang inisyuhan ng violation ticket habang… Continue reading Higit isang daang sasakyan, inalis sa mga kalsada sa Maynila bilang paghahanda sa Traslacion—MMDA